Chapter Two (AXI Members)

0 0 0
                                    

Pam's P.O.V.

Myrtle: Oh kelan ka pa kikibo dyan ?
Saway sakin ng isa sa mga kasama ko. Si Myrtle, bestfriend ko. Sinita niya ko dahil siguro nahalata niyang tahimik ako mula pa kanina.
Pam: Ha ?
Heyye: Ay wala na. Tuluyan ng natakasan ng bait.
Isa din toh sa mga kaibigan ko, pinakamadaldal samin. Si Heyye, pero di maipagkakailang pinakamayaman rin samin.
Pam: Oy hindi ah! Marami lang talaga akong iniisip kaya parang wala akong gana ngayon.
Myrtle: Iniisip? Ano naman yun? Kunsabagay, masipag ka kasi mag-aral kaya palagi kang maraming iniisip.
Heyye: Hayy.. minsan kasi chill-chill lang din. Nakakadagdag kulubot sa face yang kakaaral mo eh.
Binato ko silang dalawa ng tig-iisang fries na inorder ko. Nasa cafeteria kasi kami dahil 2 subjects ang vacant namin kaya nanlibre si Heyye. At dahil nga libre ito, so gora na kami ni Myrtle. Sino ba kasing makakatanggi sa libre? :)
Heyye: Eww Pam! Ano ba!
Myrtle: Alam mo sabihin mo na lang kung ayaw mong kumain hindi yung ikaw pa mismo magpapakain samin. Ano kami, aso?
Napatawa kaming tatlo kasi sobrang ingay namin sa loob ng cafeteria. Ok lang yan, maliit pa lang naman kasi yung estudyante dito.
Pam: Oo na! Sus, ang o-OA lang ha.
At biglang dumaan na naman ang katahimikan namin. Babasagin ko na sana ulit ito ng biglang....
GIRL1: WAAAAAHHHH !!!!!
Bigla naman kaming nagkatinginan nina Myrtle at Heyye.
GIRL2: ANG AXI !!!! WAAHH!!!!
Myrtle&Heyye: REALLY?!
I rolled my eyes. Bwiset! Ito kasing dalawa, fangirls din nung sinasabi nilang AXI. KAINIS!
At yun! Nagkarambolan na dito sa cafeteria. Halos lahat sila napapatayo at napapasigaw dahil first time daw na pupunta ang AXI sa cafeteria ng school na toh. Asus! Hindi ba pwedeng ginutom lang sila kaya ginanahan pumunta? O baka naman masarap ang ulam ngayon at hindi pa sila nakakapag-almusal kaya kakain sila?
Heyye: Ayan na sila!
Myrtle: At 3...
Heyye: 2...
Myrtle&Heyye: 1 !
FANGIRLS: WAAAAAAAAHHHH!!!!!
Tuluyan na kong napatakip ng tenga. Ang ingay-ingay! Oo na! Sila na ang gwapo. Nakakainis na ha.
Pam: Ano ba! Magsiupo nga kayo.
Sabay hila ko sa kanila paupo.
Heyye&Myrtle: Ano ba!
Pam: Alam niyo, ang papangit niyo na sa paningin ko.
Heyye: What? I'm beautiful.
Myrtle: Magpapatalo ba ko?
Heyye: Grabe ka naman Pam! Bakit mo naman nasabi yan?
Pam: Ang pangit tignan na kayo pa mismo naghahabol sa mga lalaking yan. When in fact, wala naman silang pinanggagawa sa buhay nila kundi ay ang makipagbasag ulo. Gangsters nga sila diba?
Nagkatinginan sila sabay tawa.
Heyye: Hayy nako girl, wala ka talagang taste sa mga boys. One big question! Bakit nga ba karamihan sa mga babae gusto ang mga bad boys?
Myrtle: One simple answer. Dahil masarap silang magmahal.
I sipped on my milk tea sabay taas ng kilay sa kanilang dalawa.
Pam: At masarap ring mambola? Magpaasa? Ano pa?
Myrtle: Tss. Alam mo, kulang ka lang sa experience eh.
Heyye: Ano ka ba! Naexperience na niya kaya magmahal. Hindi nga lang... ganun kagandang experience.
Napatahimik agad ako. Eto na naman kami sa usapang toh. Mapait na naman na ekspresyon ang gumuhit sa mukha ko. Ayoko nang balikan pa ang nakaraang akala ko habang buhay kong ikasasaya, na sa huli kabiguan lang pala ang nadatnan ko.
Myrtle: Ahem.. ahem...
Napasinghap ako ng magclear throat si Myrtle.
Heyye: He-he.. ok? Let's just not talk about it... again. Right?
Nagkatinginan kami agad at napatango na lang ako sa sinabi ni Heyye.
Myrtle: Ok! Tama na ang drama. Bakit di na lang natin ipakilala kay Pam ang AXI members? Diba Heyye?
Heyye: Game ako dyan!
Tinignan nila ako with a playful smile.
Pam: Whatever.
Myrtle: Ok lets start with... The Trio.
Tinignan ko ang tatlong lalaking nasa tapat ng pintuan ng cafeteria. Well.. gwapo nga sila. Nakakainis mang isipin pero napakalakas ng appeal nila.
Heyye: Vincent Madraga, pero mas kilala sa pangalang Vince.
Topnotcher yan dito sa school at back to back champion yan sa Arnis. He's known to be the cold guy of The Trio.
Well, as far as I had known kasama ko tong si Vince sa isa sa mga Science Decathlon last year. And yes, naprooved ko nang napakacold nyang tao.
Myrtle: Next is August Jay Baldemero. Gold medalist ng triathlon yan and basketball athlete din. Sa tindig pa lang at porma malalaman mo na talagang Cool Guy siya ng Trio.
Sa tingin ko, itong mga kaibigan ko, baka iutot na nila ang kilig na tinatago nila sa sobrang pigil. Tss. >.<
Myrtle: And lastly, sino ba naman ang makakalimot sa lalaking toh? Ang Hot Guy ng Trio, Traze Louie Delgado. Sasapakin na talaga kita friend pag di mo toh kilala. Eh model toh ng school eh at nakabalandra ang poster nyan sa harap ng campus. Skilled at Mixed Martial Arts and not to mention na magaling pa lang sumayaw yan. Bongga!!
Pam: Sshh! Hinaan mo boses mo.
Agad siyang sinapak ni Heyye.
Myrtle: Sorry naman! Crush ko eh. Ok, sino na ang next Heyye?
Heyye: Next batch? Yung Twins with their Older bro.
Sabay turo sa tatlong lalaking umoorder sa milk tea stand. Ang kucute naman ng mga nilalang na toh... Ay loka! Bawal maglande! Enebe!
Myrtle: First born muna tayo syempre, Zero Jun Altamonte. Ninjitsu ang forte nyan. Syempre pinakamatured sa AXI. Bukod kasi nasa higher level ang education status nya eh siya yung tinuturing bilang older brother ng buong grupo.
Heyye: Next is the older twin, Six Rae Altamonte. Head game maker yan, lahat ng larong di pa naiisip, siya na mismo makakagawa niyan. Kaya nga may sarili yang game casino eh. At may pakinabang din ang vocal chords nyan. At kickboxer naman ang forte nya.
Napataas ang kilay ko. Susko! College pa lang may negosyo na?
Myrtle: Last is the last born or mas kilala bilang ThePrankster.
Pam: Tch! Ano naman yun?
Myrtle: Duh! The name says it all. Isang tao na hindi nabubuhay kapag hindi nakakapagprank ng ibang tao. So beware of Seven Cloyd Altamonte. Anghel ang mukha nyan pero ubod ng pagkaplayful ang ugali nya. Pero sabi ng ibang Guls, kahit daw baliw at may pagka-immature mag-isip yang si Seven, romantic daw yan when it comes to girls. At alam mo bang 10th time winner yan ng underground fighting????
Pam: Malamang hindi!
Myrtle: Tungeks!
Heyye: Next na! Ako na nga! Ang love of my life ko! Si Jaff Lackus Yamato, pero ayaw nyang tawagin siyang ganyan. Mas prefer niya ang pangalang JACKUS. Ang nice diba? Haha!
Japanese yan kaya konichiwa sa kanya!
Kumaway siya kay Jackus pagkadaan nung hapon na yun. Napatakip ako ng mukha ko dahil baka maexposed ang beauty ko! Ang mga babaeng toh. Nakakaloka!
Heyye: Waahh! Kita mo yun?! Ngumiti siya!!
Myrtle: Malamang papatol yun sa pabebe mo! Eh casanova yun eh. Ito talaga! Pumunta na nga tayo kay...
Bumuntong hininga muna siya bago isiwalat ang sunod na myembro ng AXI.
Heyye: Kaya mo yan girl...
Myrtle: Alam ko. Nagpapabitin lang ako.
I rolled my eyes on them.
Myrtle: Si Soul del Rio.
Hininaan niya ang boses nya.
Myrtle: Sinasabi nilang Assassin daw siya at marami na siyang napatay. Pinakamagaling humawak ng armas at kahit walang armas eh skilled na daw siya sa pakikipagpatayan.
Pam: Bakit ka bumubulong?
Myrtle: Eh kasi baka ipaAssasinate niya ko.
Pam: Walang hiya.
Heyye: Oh tama na! Next na, Zaril Leaf Valderama. NGSB yan! Walang inatupag buong buhay niya kundi ang volleyball at pakikipag away. Sikat yan sa mga interschool competitions. Lagi yang nagrerepresent ng school natin.
Pam: Kilala ko yang si Zaril.
Heyye: Then good, ampogi noh?
Sus... lahat naman sila eh.
Heyye: Hmm.. nagugustuhan na niya ang AXI.
Pam: No way!
Heyye: Next na nga, si.. Kidd Sarmiento, Jai Cervantes at Kyel Cruz. Pinakabata ang tatlong yan. Bunso kumbaga ng AXI. In short, bata pa satin yan kaya di tayo talo. Diba?
Pam: Sus.. child abuse.
Myrtle: Eto, gwapo din toh eh. Si Ynigo Hwang. Pure Korean. Pero nilipat yan dito ng kanyang mga parents dahil hit dito ang business ng Daddy nya. Kegwapo ano?
Heyye: Wait kulang sila ng dalawa.
Pam: Ok na yun. Hindi naman ako interesado. Alis na tayo.
Tumayo na ako at maglalakad na sana paalis ng saktong pagtalikod ko ay may lalaki palang nakatayo sa likuran ko kaya sa di inaasahang pagkakataon ay nagkalapit ng biglaan ang mga mukha namin. Nagulat pa ko ng bigla siyang napatingin sa mga mata ko. Ng magtama ang paningin namin ay bigla kaming nakarinig ng mahinang "WOOOOO...." galing sa members ng AXI. Teka! Familiar tong lalaking toh eh. Ito yung nakita ko sa Dean's office kanina.
Heyye: Ah yeah aalis na kami. Halikana Pam...
Myrtle: Hehe.. sorry. Table niyo pala toh. Geh alis na kami.
Sabay hila sakin ni Heyye at Myrtle palabas ng Cafeteria. Shit! Kung hindi siguro ako inawat ng dalawang toh baka hanggang ngayon eh nagkakatitigan pa rin kami nung lalaking yun. Bakit ganon? Napakaganda ng mga mata niya na tila di ko maiwasang tumitig dito? Ganon ba siya kgwapo?
Heyye&Myrtle: WAHHH!!
Heyye: Oh mee gee..
Natauhan agad ako sa sigaw nila.
Pam: Oh bakit?
Myrtle: Bakit?! Thanks to you girl, yun na ata ang closest encounter namin sa AXI.
Pam: AXI? WHATT?? MEMBER NG AXI YUNG LALAKING YUN?
Sabay silang tumango sa tanong ko.
Heyye: Yung COUSINS pala yung nawawala. Kaya kulang sila. And just imagine na nasa likuran lang pala silang dalawa ni PAM!
Pam: Wait! Dalawa?
Myrtle: Yep! Girl, si Chase Montecero yung nasa likuran ng nakatitigan mo at si Gavin Spencer Montecero yung lalaking nakatitigan mo!
Pam: Nakakalito na ha!
Heyye: You've just met the coolest persons in our school!
Pam: Hayyyy.. WHATEVS!

At nauna na kong maglakad sa kanila. Wala akong pake sa AXI na yan! At hindi ako interesado sa mga lalaking yun! NEVER!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell InLove With The BADASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon