Part 1

14 1 0
                                    

This story is all about me and my link body love. Im Princess Miyu kung tawagin sa isang site sa link. Kung saan don ko binuhos ang oras ko everytime na bored ako.

Actually di naman talaga ako mapupunta sa isang site ng link kung di dahil sa boyfriend ko.

Yes!! tama Boyfriend ko kung saan 2 years na kame na in relationship but then ng dahil din sa link nagkaroon ng conflict ang relationship na inalagaan namin. Doon ko kase sya nahuli na nakikipaglandian sa iba. That why nagkahiwalay kame call off kung baga.

*flashback*
(sm fairview)

-Miyu POV-

Alam ko nandito siya sa fairview. Kaya nakipagkita ako sa kanya.

"Fred" tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya na parang hinahanap din ako.

"Kanina pa kita hinahanap" sabi nya

"Kanina pa kaya ako nandito hinihintay ka." tugon ko sa kanya

"Ano ba paguusapan natin?" tanong nya habang nagtataka kase nangingilid na yung luha sa mata ko. Kase alam ko parang may mali matagal na.

"May iba ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala!" yun agad ang sinabi nya.

Pero ang nasabi ko na lang "okey" dahil ang alam ko kahit di nya sabihin iba pa din yung nararamdaman ko na parang may tinatago siya sa akin.

Habang naglalakad kame. Di ako nagsasalita kase parang di ako mapakali na parang may di ako alam.

"Pwede ba makitawag magpapaalam ako kay mama!"
kase nga dun ako makikiovernight sa bahay nila malayo kase yun sa Bahay namin kaya di na ako makakauwi. Gabi na din kase 10:00pm na ng gabi

"okey" sabi nya pagkaabot nya ng fone nya at nakatawag na ako sa mama ko. Di ko sinasadya na maopen yung Data ng fone nya.

Then nagulat ako bakit parang may nagtulak sa akin na iopen ang isang site na LINK . Pero nagulat ako sa mga nabasa ko may kausap sya at kachat na ibang babae. Di lang isa kundi tatlo pa yun. Alam mo yung feeling na lahat ng iniisip mo totoo pala.

'i loveyou bebs' sabi nya sa girl
'i loveyou too beb' the girl response too him

Di ko mapigilan naiiyak na talaga ako habang sya nakatingin sa akin.

"makal ko! crush lang naman yan!" sabi nya na parang kinakabahan sa pwedeng mangyari.

"*sniff *sniff* crush ba yung magsasabi ka ng iloveyou sa isang babae huh fred?!" mahina kung sabi sa kanya wala na kase ako lakas ng loob para sumigaw pa at baka maiskandalo kame sa sm.

"Buburahin ko na yan at tsaka....!" bigla ko nalang binigay ang fone nya at umiyak na ako kahit pinipigilan ko ang galit ko.

"sumakay na tayo." sabi ko habang pilit nya gustong hawakan ang kamay ko inaagaw ko pabalik.

Tahimik kame noon na nakasakay ng jeep niyayakap nya ako pero tinatanggal ko yun. paulit ulit nagfaflashback sa utak ko yung mga nabasa ko. At ang pakiramdam na ang sakit sakit na yung hinala mo totoo pala. Na yung pakiramdam mo ma may mali na nangyayari totoo pala.

Di ko namalayan na malapit na kame makarating sa amin at yung nasa isip ko noon. Paano nya nagawa sa akin yun may pagkukulang pa ba ako na di nagagawa..

Pagkapasok namin ng bahay nila.
"good Evening po ma!"
habang pilit ko pinipigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Anong nangyari kay GF?" tanong ng ate nya Gf kase ang tawag nila sa akin.

"Usap lang kame." mahinahon nyanh sabi at hinila nya na ako sa kwarto nya.

"Mahal ko! Ano lang kase yun crush lang" sabi nya habang nakayuko

"CRUSH!!" Empasize ko sa sinabi nyang crush

"Fred base kase sa nabasa ko hindi crush yun eh. Di naman ako tanga na di ko alam pinagkaiba sa naglalandi at crush lang!" iyak na ako ng iyak di ko ma mapigilan at nasampal ko sya.


*plaaaaak*

"Sorry di ko na uulitin!'

"Pinagkatiwalaan kita na kahit may iba akong naradaman pinagkatiwalaan kita!! *sniff* na kahit na di ka nagttxt sa mga txt ko at nagreresponse agad pinilit ko na sabihin na busy ka. *sniff* Pero ang di ko alam kaya ka pala busy dahil sa mga babaing yan!"

"mahal ko sorry!"

"sorry the damage is done Fred sira na yun tiwala na inalagaan ko ng 2 years. Ngayom sabihin mo sa akin kailangan ko pa bang maniwala kung sira na ang tiwala na binigay ko sayo?!"
di sya makapagsalita

"Sorry Mahal ko!! Di ko na uulitim gusto mo sayo nalang yung cellphone ko di na ako magcecellphone!" habang gusto nya akong yakapin.

"Di ko alam ang sakit eh alam mo ang sakit nagkatampoham lang tayo .. Hahaha may iba na agad !! may ganyan na agad!"

"sorry!" umiiyak na din sya at nageexplain sa akin sa nagawa nya.

"Sinabi ko na sayo noon bago maging tayo ingatan mo sa lahat ang tiwala ko kase kapag nawala yun di na magwowork out ang relationship na toh. Ano pa bang kulang ginawa ko naman lahat ah. Ni hindi ka nga napunta sa akin ako pa napunta sayo diba! Diba! wag ka lang maabala!"

"Alam ko ! sorry!"

"Labas ka muna papahinga ako! Baka bukas sana wala na yung sakit na toh! Ayaw muna kita makita bukas maaga akong uuwi."

Pero di sya unalis sa tabi ko. Humiga nalang ako at tumalikod sa kanya. Habang nagsasalita pa din sya.

iyak na lang ako ng iyak at di ko maintindihan lahat ng sinasabi nya. Basta ang alam ko lang ang sakit eh ang sakit.
.





-----------------------------------------------------------------------> author: part 1 palang By tomorrow baka magupdate ulit ako Long story toh.. Di ko pa alam mangyayari but then i hope magenjoy kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Linker LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon