❤❤❤Jaze Yatco
"Zurich I love you!" sigaw ni malanding Ellen sa gwapong guitarist ng bandalism sikat na banda sa school namin.
"Tang Na pag di ka tumigil diyan Ellen sasabunutan talaga kita" gigil na sabi naman ni malditang si Maida sa kanya.
"Sabunutan mo nga ingay ingay!" sabat naman ni bad girl na si Novy
"Hey let her fawning to her crush!" awat naman ni maarteng Abby.
"Hay nakakahiya ka Ellen!" prakang sabi naman ng cool na si Jestilyn
I just laughed at them.
"Guys relax okay?" awat ko sa kanila.
Si Abby ang kikay super fashionista , si Jestilyn naman kahit anung damit nito bagay parin, si Nove at Maida naman they love wearing black si Ellen naman weird manamit yung tipong magjajacket kahit sobrang init. At ako boyish manamit minsan maldita pero madalas mabait hahaha
"Bahala nga kayo diyan ang iingay niyo makapag yosi na nga lang!" sabi ni Novy at lumabas na nang bar.
Sa lahat nang kaibigan ko kay Novy malayo ang loob ko.
"Gaga talaga tong si Novy magyoyosi nanaman!" sabi ni Maida habang nakatingin sa palabas na si Novy.
"This is supposed to be our celebration for our legal age and wakas 18 na tayong lahat dapat masaya to!" maarteng sabi ni Abby.
Actually kakatapos lang ng birthday ni Ellen kahapon sa aming anim siya ang pinakahuling nagdebut and this is our first time na makapasok sa isang bar well except kay Maida at Novy.
"Bahala kayo diyan basta ako makikipagsayaw!" sabi ni Jestilyn at naglakad papuntang dance floor sa aming anim siya ang pinakamaliit siya rin ang pinakamagaling sumayaw si Novy at Maida naman ay singer, ako naman guitarist, si Ellen at Abby naman daw ay muse namin hahaha.
Uminom ng alak si Maida samantalang si Ellen naman ay titig na titig sa kakatapos lang magperform na si Zurich at kami naman ni Abby ay hindi umiinom nang alak madalas kaming dalawa ni Abby ang nagkakasundo si Novy at Maida naman ang madalas magkasama, samantalang si Ellen at Jestilyn naman ay hindi mo mapagsasama dahil laging nag aaway ang mga ito
"Manampal kaya ako nang babae para maging memorable naman tong gabing to" sabi ni Maida kaya natawa kami ni Abby.
"Bez baliw ka talaga!" sabi ko dito
"Hoy Abby andiyan na yung boyfriend mo!" sabi ni Maida habang nakatingin sa paparating na si Bailey.
"Nakakainis bakit ba andito to!" bulong na reklamo nitong si Abby mabait si Bailey ewan ko ba dito kay Abby at hindi niya ito magawang mahalin sinagot lang daw ito dahil madami nagkakacrush dito.
"Hey dude!" bati ko dito dahil inaasar ako nitong boyish e
"Dude!" bati naman nito sa akin bago tumabi kay Abby.
"Tara Jaze guluhin natin ang dance floor" sabi ni Maida at hinila ako papuntang dancefloor hindi man lang nito pinansin si Bailey.
Pagdating namin sa dance floor pinagsisisko ni Maid ang mga sumasayaw para makapasok kami sa gitna ng dance floor.
Masamang tumingin ang isang babaeng nasiko ni Maida sa kanya.
"Anu aangal ka ha?" masungit na tanong ni Maida dito agad naman yumuko ang babae kakaiba talaga tong babaeng to maliit siya pero ang maldita pero nang makita niya si Erwin ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito lalo na nang lapitan siya ni Erwin kaya iniwan ko sila para lumabas ng bar masyado ako nasusuffocate sa usok ng sigarilyo e
