Chapter 3

21.9K 468 0
                                    

Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari ng gabing iyon. Pagkatapos ng halikan namin hinila na nila ako pabalik sa aming table at kung ano anong kabaliwan ang tinanong nila sa akin. Na sa totoo lang hindi ko rin naintindihan dahil na mental block rin ako. It wasn't my first kiss but it feels like my first from the man of my dreams. Si Marie ang naghatid sa akin pauwi sa bahay dahil mahirap rin talaga ang pagsakay pauwi sa amin lalo na sa alanganing oras.

Medyo nahirapan akong makatulog that night dahil sa mga mata niya na parang nakatitig pa rin sa akin, his blue piercing eyes yet a captivating one. But because of the alcohol nakatulog rin ako pagkalipas ng ilang sandali.

It's sunday morning, thanks God! Sobrang sakit ng ulo ko, ito ang masama kapag nakakainom ako pakiramdam ko halos one week ang hang over ko. Ganon ang effect sa akin ng alak kaya occassionally drinker lang ako, minsan nga hindi talaga ako nakakainom ng alak sa loob ng isang taon.

Bumangon na ako sa kama at nagpunta ng bathroom, nag ayos na ako para makababa at makainom na ng gamot sa hang over. Damn hang over! kaya mas gusto kong mag gatas nalang, if applicable lang sa mga happenings.

Pabalik na ako sa aking kwarto nang makasalubong ko si mama. "Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong niya.

"Mga past twelve ma, hinatid po ako ni Marie." I said while walking towards my room, tumango lang siya sa akin at pumunta ng kusina. Oo nga pala hindi ko pa nakikita si tatay at wala naman siyang pasok ngayon dahil sunday.

Humiga ako sa kama dahil masama pa rin ang pakiramdam ko, sabi nang ayoko ng uminom. Bigla namang nag ring ang phone ko, sinagot ko na agad ng mabasa ko ang pangalan ni Marie.

"Hindi porket naka postpaid ka pwede mo na akong tawagan ng tawagan! Maaga pa ateq, masakit rin ang ulo." sagot ko sa kanya. Masakit pa rin talaga ang ulo ko hindi yata masyado effective ang paracetamol.

"..Hello to you Sam, na-imagine ko na hitsura mo while vomitting, mabuti nalang you didn't throw up in my car.." she sighed loudly. "..Anyway, I just call you to say.. make sure you'll come with your CV tomorrow, well kahit wag na nga sana since ako naman ang head ng HR Department.." she said happily, ang tagal niya na kasi akong pinipilit na mag trabaho sa company ng tita niya specifically sa Fuentebella & Nordstorm.

"Akala ko ba darating na yung new CEO? Paano na kung hindi niya ako magustuhan, baka high standard yon. Sa tita mo nga alanganin pa ako kahit mabait naman siya sa akin, alam ko naman kasing mahigpit siya kapag trabaho na ang usapan." I took a deep sigh and feel panic at the same time, I was lack of experience dahil never pa naman akong naging secretary. Although it's just a secretary position pero kung magiging personal secretary ka ng CEO? You must be efficient and effective, and I'm not sure about that.

"..It's a very simple yet toxic work ateq. Madali lang yon, I can train you until you feel comfortable with your job, coz I love you so. Tsaka mabait naman si tita.." aniya sabay tawa pa, okay mabait si tita Claire pero paano naman iyong bagong CEO?

"Fine, since I badly need a work. Pero turuan mo muna ako ateq para naman hindi na ako mangapa pa ng mga dapat gawin." she's a big help.

"..Okay, see you tomorrow. Shall I fetch you? You know I won't mind.." she said in her happy voice again, ganyan siya ka-excited. Napangiti nalang ako, pagbigyan, kaya mahal ko itong kaibigan ko.

"Yeah, see you tomorrow. Itutulog ko lang to para fresh na ako bukas." I laughed and ended the call. I need a rest. Itutulog ko lang ito, pahinga lang talaga ang kailangan ko at dalawa pang paracetamol.

Napadilat ako ng maalala ko iyong supladong adonis na iyon. He's wearing a white v-neck shirt and faded jeans last night. Unlike the first time I saw him on his suit, but still has the same effect on me. I suddenly touched my lips, naalala ko rin ang mainit niyang labi kagabi. Napapikit ako, sobrang lambot non parang mas malambot pa sa mga labi ko. At ang kanyang asul na mga mata, what a breathtaking sight. Para talaga siyang prince charming just cut the suplado part.

Nakatulugan ko na ang isipin na iyon and crap! He haunted me in my dream. Pinagpawisan ako habang paupo sa kama, ano bang panaginip iyon parang itinuloy lang iyong sa bar. In my dream he was kissing me passionately and he's topless.. His broad shoulder, hard rock pecs and burning abs. Napakurap ako parang totoo yon. Damn, namamanyak na ba ako?!

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto. "Sam kakain na, sumabay ka na daw sabi ng tatay mo. Agahan lang ang kinain mo kanina kaya lumabas kana diyan." ani mama.

Kinalma ko muna ang sarili ko sabay buga ng hangin, it was just a dream. "Ma, susunod na ako." sagot ko habang bumabangon at inaayos ang aking sarili.

Narinig ko ang papalayong yapak ni mama. Maya maya pa ay lumabas na rin ako ng kwarto at sumunod sa dining, narito na nga sila mama at tatay habang tahimik na kumakain. Umupo na ako sa tabi ni mama at inumpisahan na ang pagkuha ng pagkain buti naman at caldereta ang ulam.

"Nasabi ng mama mo na mag aapply ka daw bukas, sa kaibigan mo daw sa manila? Marie, right?" tanong ni tatay, habang kumakain.

Alam ko naman na ayos lang sa kanila na wala akong trabaho, pero gusto ko na ulit ng sariling pera. Sa city hall ng Antipolo si tatay nagtatrabaho at okay naman ang salary. Si mama naman ay dating grade school teacher sa Sentral pero ngayon real estate broker na siya. May sariling sasakyan sila tatay at mama, pareho kasi silang may trabaho. Dito kami sa Maia Carina nakatira, halos twenty years na rin kami ditong naninirahan. Mahirap lang talaga kapag wala kang sasakyan dahil magtatricycle ka or maglalakad ka palabas ng guard house.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot "Yes tay, secretary po ng tita niya, mabait po ang tita ni Marie. Saka around Quezon City lang po."

"Just try it first. Kung sa tingin mo ay ayos naman, then we will support you on that. Kahit pa pwede ka naman mag open nalang ng maliit mong business. Pwede kang mag open ng dress shop, you can maximize the sales through online, atleast hawak mo ang oras mo unlike working fulltime as a secretary." he said while looking at me na parang inaarok ang nasa isip ko. I get it na pwede nila akong pahiramin ng capital, but mas masaya naman kung makakapagtayo ako ng sarili kong business with my own money. Isa pa pera nila iyon dapat gamitin nila sa kanilang pagtanda. Kaya ko pa naman magtrabaho para sa future ko.

"Thank you tay, pero trust me on this, save niyo nalang ang pera ninyo ni mama. Tsaka gusto ko rin ng new environment, bumibilog na ako kaka gulong sa kama." tawa ko pa. Alam ko namang may tiwala sila sakin sa lahat ng bagay. Kahit pa ramdam ko ang pagiging over protective nila sakin.

"Hayaan nalang natin si Sam, masyado na rin siyang nabuburo dito sa bahay, mas may social life pa nga ako sa anak natin." ngiti ni mama sakin, come to think of it my mom has a point, masyado akong dependent sa kanila to the extent na hindi na ako umaalis sa comfort zone ko. But I have my reasons.

I washed the dishes pagkatapos naming kumain. Pagkalipas ng ilang sandali umakyat na rin ako para makaligo at nang makatulog na ng maaga.. first day of work ko bukas.

Blue Eyed Devil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon