ONESHOT- [ SPIKES ]

1 0 0
                                    

ONESHOT BY QUEENss24

" Wendy! Tara sa Basketball court ? Wala pa naman si Sir. Bilis! " hindi pa siya nakakasalita ay hinila ko siya patungong court.

Hingal ko siyang hinarap. " OMG. Buo nanaman ang araw ko, Wends! " yugyog ko sa magkabilang balikat niya nang makita ko si David na nagdidribble.

" Hinay-hinay lang, Monika." natatawa niyang sambit.

Umupo kami sa bleachers at habang buhay na pinanood si David. Joke! Mga five minutes. Naka-blue jersey at naka clean cut ito kaya kito mo ang mga malalim niya mata pati ang matangos niyang ilong. Nakapangalumbaba ko siyang tinitignan at parang baliw na nakangiti. Kahit araw -araw akong ganito ay okay lang.

" Monika! Nakita ko si Sir! Tara na! " natataranta kaming bumalik sa room pero bago ako makaalis sa court ay sinulyapan ko si David na nagtatangkang magshoot ng three points. Bumitiw na ako ng titig dahil feeling ko mababali na ang leeg ko. Aish! Hindi ko tuloy nakita kung nagshoot ba o hindi. Leche naman kasi si Sir. Naglalakad pa, pwede namang gumapang nalang para mas mabagal at sana nakita ko kung nagshoot ba iyong bola! Kainis. Nang makarating na kami sa room ay wala pa si Sir.

" Hehe. Wala pa pala. Baka natapilok jan sa tabi-tabi." palusot na sabi ni Wendy

Tamad akong umupo at hinintay ang mataba na hindi magkasya sa pintuan na panot with the big eyes and malalaking mga pata. Speaking of, andyan na siya. Wala na talagang pag asa itong si Sir. Ayaw mag diet, ayan tuloy hindi magkasya sa pintuan.

" PRESIDENT! " lagi pang highblood. At dahil nahihirapan siyang makapasok, pinalagay niya muna sa president ang mga clearbooks namin na dala-dala niya.

" Wends. Kailangan ata ni Sir maligo sa langis para hindi na siya mahirapang pagkasyahin ang sarili sa pinto. Hihihi." bungisngis ko

Pagkalingon ko ay nasa teacher's desk na siya at matama akong tinignan. Umayos ako ng upo at tumingin ng diretso sa board. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong madaldal kapag siya ang guro. Nang hindi na siya nakatingin ay umirap ako sa kawalan.

Math nanaman! Susme. Puro numbers. Siguro pati numbers ay kinakain niya kaya tumataba. Kunwari ay nakikinig ako pero kating - kati na ako mag awasan. Kahit may dalawang oras pa kami dito para mag aral. Ugh.

" Miss Monika." nagulat ako nang bigla akong tinawag. Sa akin lahat ang tingin at dahan-dahan akong tumayo.

" P-Po ?" nauutal kong sagot

" What kind of asymptote is written on the board ?." tumalim ang titig niya sa akin dahil hindi ako makasagot. Lumunok ako nang makitang papalapit siya.

" Horizontal Asymptote." bulong ng katabi ko.

Lumaki ang ngiti ko at sumagot

" Easy." pa cool kong sagot habang siya ay namumula na sa inis.

" Horizontal Asymptote." pagkasagot ko ay umupo na ako.

Mas lalo siyang lumapit sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Yung bil-bil ng tiyan niya ay dumidikit na sa upuan ko. Grabe, pwede ko na itong tusukin ng karayom para mawala ang taba. HAHA! Kaya hindi ko mapigilang hindi tumawa ng kaunti.

" MALI ! " napakapit ako sa upuan dahil sa napakabahong hiningang inilabas ni Sir. Joke. Tinalikuran niya ako at pumunta sa board. Kumuha siya ng chalk at mariing isinulat ang sagot.

" OBLIQUE.ASYMPTOTE." nakakatakot na malaking boses ang bumalot sa room. Tinapunan niya ako ng tingin at pinanlakihan ng mata.

" GET OUT! " Nanginginig sa galit niyang itinuro ang pinto.

SPIKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon