The Day

54 1 0
                                    

Karaniwan na sa mga estudyante ang makaranas ng tinatawag na retreat. Isang tradisyon na ginagawa para sa mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon sa hayskul.

Ang pagbisita sa isang lugar o kadalasan ay kumbento para makaranas ng isang pagbabago sa katauhan ng mga kabataan. Pagbabago sa pag-uugali at pagbabagong pang-espiritwal.

Ngunit, hindi lahat ay nakakaramdam ng pagbabago, may pagbabago man siguro ay panandalian lamang.

Ngunit para sa mga kabataan na may malawak na kaisipan ay makadarama ng malaking pagbabago at mas lalalim pa ang pananalig sa Diyos.

At ang araw na pinakahihintay ng lahat ay sumapit na, kadalasan ay buwan ng Pebrero. Lahat ay masaya at syempre excited.

At isa na doon ang barkadahan naming magkakaibigan.

"Mga bessy, nasan na kayo dito na kami sa school." text samin ni Jolina na dakilang taga-gm kung nasan na kami kapag lagi na lang kaming late.

At syempre kadalasan ako ang laging late. Dahil may kalayuan din ang bahay namin sa eskwelahan.

"On the way na ko bessy, sinu-sino na ba kayo dyan?" Reply ko naman habang nasa byahe.

"Actually bessy, kayo na lang ni Nela ang hinihintay." Sabi niya na feel kong badtrip na.

Diba! as expected late kami lagi. Buti na lang 30 minutes pa bago umalis ang bus naming lahat papunta sa tagaytay.

"Sorry na po bessy, malapit na ko promise. Saka basta pahingi kami pagkain, panigurado marami kang baon. Hahahaha :D" with matching emoticons pa para hindi na siya mabadtrip.

Pikunin kasi yang bessy ko na yan. Sa aming lahat si Jolina ang pinaka mainipin. Malapit lang kasi ang bahay sa school kaya laging on time.

At nakumpleto na nga kami bago umalis lahat papunta sa destinasyon namin.

Pero bago kami umalis, nagbigayan muna ang isa't-isa ng retreat letters. At syempre marami kaming kaibigan, edi marami kaming natanggap na letters.

Mas nakaka-touch pa ng makatanggap kami sa mga lower years. Mga kaibigan namin na mas mga bata at mga concern din sa retreat namin. Mga letters na sobrang pinag-effortan.

Pero sa retreat house na lang namin balak basahin yung mga letters.

At oras na nga para umalis kami. Enjoy na enjoy ang lahat ng magsimula ng umalis isa isa yung mga buses.

Ang pagkaka-alala ko ay magkakasama ang 1st at 2nd section na hinaluan ng kaunti sa iba pa dito sa bus na sinasakyan namin.

Marami din kasi kaming mga fourth year students.

At syempre habang nasa byahe kami ay hindi parin maiiwasan ang konting kulitan at tawanan.

May mga nagjo-joke, meron din mga nakanta, meron ding mga nakain at syempre yung iba mga tulog dahil din sa maaga ang naging call time.

May mga pagkakataon din na tumitigil kami sa mga convenient store para bumili. Gasoline station para naman makapag-cr.

Siguro mga 8:30 narin ng makarating kami dun sa picnic groove. Hindi ko na lang matandaan yung tawag dun basta kainan sa may tagaytay. Yung laging pinagpipic-nikan.

At pagkatapos doon ay diretso na kami sa retreat house.

---


Sa Retreat House…

At sa wakas nakarating na rin kami. Excited ang lahat ng bumaba kami, may iba na nagpahinga muna kasi nahilo sa byahe, yung iba naman picture taking at karamihan gumala agad.

Retreat HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon