"I love you," I whispered.
"I love you more," he answered.
That promise of forever was made in a high cliff overlooking the ocean - a place that we've discovered by ourselves..our own paradise. Napakaganda ng view at tanging kami lamang ang naroon. Tanging mga ibon, hangin at dagat lamang ang nakarinig ng pangako iyon.. ang pangako namin para sa isa't isa. Nagpalipas muna kami ng oras doon bago umuwi galing sa school. Ito nga lang yata ang tanging time namin para magkasama.
Nang papalubog na ang araw, we decided na umuwi na at siguradong hahanapin na ako nina Papa at Mama. On our way back, may nakasalubong kaming matandang babae. She stopped our tracks and looked straight at us.
"Napakaganda niyo namang tingnan mga iho at iha," bati niya. "Nagmamahalan nga talaga kayo ng tunay," dagdag pa niya. "Ngunit, ang pag-ibig na 'yan ay pilit na hahadlangan. Hahadlangan ng pagkakamali ng kahapon!!"
Napatigil kami sa paglalakad at nakinig sa sinasabi ng babae pero nang mapansin ni Pao na palakas na ng palakas ang boses ng babae ay pilit na nya akong hinila papalayo. Mabilis kaming naglakad papalayo at tanging sigaw na lamang nito ang siyang narinig ko.
Nang makalayo na kami sa babae, bigla na lamang dumilim ang kalangitan kasunod nito ang malakas na boses, "Tigilan nyo 'yang ginagawa nyo! Pagmamahal? Hahahahahaha!!! Sino ka ba para mahalin ang anak ko?! Isa ka lang namang hampaslupa!! Hindi ka karapat-dapat sa pamilyang ito! Ang dapat sa'yo ay mamatay!!"
Nakakakilabot ang malakas na boses na iyon na halos mapayakap ako kay Pao. Ngunit, umpisa pa lamang pala iyon dahil kasunod naman noon ang napakalakas na lindol. Nag-crack ang lupang tinatayuan namin, bumuka ito, pareho kaming nahulog ni Pao at tuluyan kaming nilamon ng kadiliman.
"Aaaaaahhhhh!!!!!"
Everything was gone black and all I know is that nasa kama ako't nagsisigaw sa takot..napaupo at pilit na hinahabol ang hininga ko. Isa lamang palang panaginip.
It was just a dream. A nightmare. Or so I thought?
BINABASA MO ANG
Twisted Fate Book 1: The Forbidden Love
Teen Fiction"I love you," I uttered. "I love you more," he answered. Wala na nga talaga sigurong mas sasaya pa na marinig mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Our relationship is what other people may call the ideal one - yung mala-fairytale kumbaga. I, bor...