Again Series 2

1.1K 23 5
                                    


Nangingiting ibinaba ni Betty Mae ang telepono. Alam niyang in a way hindi tama ang ginawa niya but she had to... para sa kaibigan niyang si Amor.

Eduardo: Hi Betty Mae. Si Amor ba kasama mo? Hindi kasi siya sumasagot ng cellphone niya.

Betty Mae: Ganun ba. May meeting kasi siya ngayon kasama si Gerald.

E: Gerald?

BM: Yes si Mr. Gerald Anderson. Isa sa mga business partner ni Amor na dati rin niyang manliligaw.

E: Dating nanligaw sa kanya???

BM: Oh my how tactless of me!? Bakit ba kailangan ko pang banggitin sa iyo. Pasensiya ka na Eduardo ha kasi alam mo I'm very fond of Gerald. Alam mo kasi guwapo, matalino at mabait ang batang yun.

E: Bata? What do you mean?

BM: Bata! I think mga 10 years ang agwat nila ni Amor. Alam mo kasi masugid talagang manliligaw ni Amor si Gerald and take note ha muntik sanang sagutin ni Amor yan kaso nga lang nag-alangan ang friend ko kasi nga bata and you know naman Amor... hello... hello..."

Nawala na sa kabilang linya si Eduardo at sigurado siyang ngayon pa lang ay natataranta na ang lalaking iyun. Bakit hindi? Magmula ng dumating si Claudia ay lagi na lang itong walang oras kay Amor. Naiintindihan naman niya si Eduardo dahil siyempre gusto nitong pagbigyan ang mga anak nito lalong-lalo na si Lia. Pero lagi na lang nababalewala ang kanyang kaibigang si Amor. Totoo namang napakabait nila Eduardo at Amor kaya nga siguro lagi na lang ay naaabuso ang dalawang ito at sa isang tulad ni Claudia minsan hindi mo kailangang maging mabait palagi.

Twenty-two years na ang nawala kanila Eduardo at Amor at bilang kaibigan kailangan niyang tulungan ang dalawa.

*******************

Kanina pa naghihintay si Eduardo sa labas ng conference room kung nasaan si Amor. Aaminin niya naging busy siya lately dahil kailangan niyang samahan si Claudia sa mga chek-ups nito para mapatunayan na may amnesia ito. Isama pa na laging nahiling ang bunso niyang si Lia na makasama siya na hindi naman niya matanggihan kaya naman minsan ay hindi niya mapuntahan si Amor. At ngayon nga, ayon kay Betty Mae ay kasama nito si Gerald, ang lalaking masugid na nanligaw kay Amor noon at muntik pa nitong sagutin kung hindi lang sa agwat ng idad nila.

He admit it, naiinsecure siya at nagseselos. Nakita niya ang profile ni Gerald ng hanapin niya ito online. Totoong bata nga ito at guwapo. May mga pictures pa na kasama nito si Amor at talaga namang the kid is being very gentleman when it comes to Amor.

Maya-maya pa ay lumabas na si Amor at nakita niyang nasa tabi nito si Gerald. Tila may binubulong ito kay Amor habang ang huli ay nakangiti. Aaminin niyang unti-unti siyang kinakain ng selos.

********************

Nangiti si Amor sa ibinulong ni Gerald. As usual, the guy is being charming again. Kakatapos lang ng kanilang meeting para sa isang resort na itatayo nila. They want to promote the beauty of the Philippines and she thinks Gerald is a very good partner dahil mahilig itong umikot ng Pilipinas and the fact that he loves adventure.

"So Dinner tonight? Susunduin kita." Si Gerald.

"She can't. She already has a date with me."

"Eduardo?" Gulat na sabi ni Amor. "Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit si Eduardo sa kanya and took her hands and intertwined it with his. "Masama bang sunduin ang girlfriend ko?" He emphasized the word "girlfriend". Gustong-gusto ni Eduardo na sabihing asawa pero alam niyang sa sarili na he cannot claim it yet dahil nga dumating si Claudia. And now he is doing his best na ma-annulled ang kasal nila ni Claudia. Kasal ang puso niya kay Amor at hindi magbabago yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Again Series TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon