Ang pagsulat ay napakahalagang bagay sa ating buhay.
Ginagamit natin ito sa pang araw-araw nating pamumuhay.Bakit nga ba ito mahalaga?
Partikular na lamang sa unang kabanta ng ating buhay, ang pagpasok sa paaralan. Unang tinuturo sa atin ay ang pagsulat dahil sa pamamagitan nito ay maisusulat natin ang ating pagkakakilanlan. Ang ating pangalan, kung hindi natin isusulat ang ating pangalan, makakasali ba tayo sa isang klase? Mabibilang ba tayo bilang isang estudyante?Isa pa, sinasabi rin na ang pagsulat ay ang mas mabilis na paraan para mas maintindihan at matandaan ang isang pinag aralan. Bakit? Dahil pag ating isinulat ang isang pangungusap, kung sakaling malimutan natin ito maaari nating mabalikan at mabasa ang ating sinulat. Sa pamamagitan niyon ay mas matututunan natin ang isang pag aaral.
Ngunit hindi natin maipagkakaila na marami ngayong nagkakamali sa pagsusulat, lalo na sa ginagamit na salita. Ngayon, matutunghayan natin at matututunan natin kung ano-ano ang mga salita na dapat nating ginagamit at ang hindi dapat natin ginagamit.
---
[A/N: Ako'y nagagalak na maibahagi ang bokabularyong natutunan ko mula kay Ginoo na aking guro sa Filipino. Lahat ng isinulat ko sa aking talaaklatan ay aking ibabahagi sa inyo.]
BINABASA MO ANG
Bokabularyo ni Ginoo
Non-FictionIsang uri ng libro kung saan matututunan nating gumamit ng tamang salita. Malalaman natin kung saan tayo mali at tama sa paggamit ng salitang iyon. Ang librong ito ay makakapagturo sa atin ng mga hindi pa natin nalalaman. Matutulungan tayo nito s...