I hate Economics! :'(
Ang mga pangalan at pangyayari ay pawang nagmula lamang sa aking walang kwentang imahinasyon. XD Alin mang kahawig na pangalan at sitwasyon sa totoong buhay ay NAGKATAON LAMANG. Salamat!
- - -
“Suzyyyyyy! Why are you late?! AGAIN?!”
Waaaah >3< galit na naman si Miss. Pfft di ko naman gusto ma-late ulit, Economics pa naman subject. Huhuhu sorry na, kung pwede ko lang sana sabihin ‘to eh ~o~
“I’m really sorry Miss. I just encountered a little problem on the road. Would you still let me in?” nakaka-nosebleed talagang kausap si Miss. Ayaw niya kasi ng Tagalog siya kinakausap eh.
“NO, wait for your next subject outside. Now please don’t disturb our class you may go.”
Huhuhuhuhu. Yaaaan na nga ba eh T___T kaya mahirap ma-late kapag si Miss yung first subject teacher eh. Ano gagawin ko ngayon? Saan ako tatambay? Tsaka kawawa naman ako mamimiss ko yung lesson ngayon… ayan kasi kasalanan ko naman din eh malas ko timing pa na may commotion sa kalsada kanina late tuloy ako.
At dahil maaga pa for the second subject, mag-aaral na lang muna ako ng Economis dun… sa field.
* * *
“Shortage means quantity demand is greater than quantity supply. Surplus means quantity –ayy!” Aray ko naman ah!! Masakit matamaan ng bola sa ulo ahhh!
“Sorry Miss! Napalakas yung sipa nung team mate ko eh. Ayos ka lang?” isang boses ng lalaki na ‘concern’ siguro. Aba hindi ko naman kita reaksyon niya sakit ng ulo ko eh tumalsik yata palabas ng utak ko lahat ng inaaral ko sa Economics.
“Mukha ba akong ayos lang?! Ang sakit kaya!” automatic akong napapasigaw kapag nasasaktan o kinikilig eh. Basta ganun ako haha pero teka nagtataray nga pala ako >____>+
“Eh sorry na talaga. Sige diyan ka na Miss may practice pa kami eh. Aral ka na ulit! Bye!”
O_O
Yun lang? iiwan na lang ako pagkatapos ko sabihin na hindi ako okay? Okay yun ah? At balik na daw ako sa pag-aaral? Sa tingin niya makakapag-aral pa ako ulit?! Eh halos matanggal na yung ulo ko >___< wehehe medyo OA pero masakit kasi!!!
Ha’ay! Epal na lalaki yun! Nawala tuloy sa concentration.. again balik na lang ulit.
“Shortage tells that quantity supply is greater than quantity demand… and– “
“Mali Miss. Kapag shortage QD is greater than QS” Epal naman nun! Edi ako na mali. Sabi na nga ba tumalsik lahat ng inaral ko nung natamaan ako ng bola eh. Pero teka? Sino ba ‘tong isa pang epal na ‘to?! Paglingon ko….
Waaaaah! Si Ash pala! My best dude! Hahaha
“Uyyy! Dude! Ikaw palaaaaaa. Kamusta na? tagal di nagparamdam ah?” Masayang masaya kong tanong, nakalimutan ko na yung pagsakit ng ulo ko *U*
“Eto dude medyo busy, stressful pala talaga kapag senior na no? lalo na yung practice namin, kailangan makuha yung scholarship na yun tsk wala na din tuloy time sa madaming bagay tulad nito…tagal na natin di nag-uusap dude!! Kaya namiss kita eh” sabay gulo niya sa maganda at mahaba kong buhok.
BINABASA MO ANG
I hate Economics! :'(
Teen FictionSi Suzy...ang babaeng malas na yata sa lahat ng bagay. Palaging late sa Economics kaya naman hate na hate niya ang subject na yun. pero si Miguel naman ang like na like niya NA MAY GF NA! Malas talaga nitong si Suzy no? Pano kaya siya magkaka-lovel...