Huwag Muna

18 1 0
                                    


Nagbago na ..

Sawa na kaya sya?

Di naman ganito dati ah!

Malambing sya nung una bakit naging ganito na?

Tinotopak ako ... tinotopak na rin sya? Bakit dati hindi naman ganito

Hindi

Hindi pwede ...

Mahal nya pa kaya ako?

"Hi. Baby :D Good Morning. Mhal na mahal kitaa. Kumain ka ng breakfast huh? Damihan mo :* Mahal na mahal kitaaa baby <3 Ang Ganda mo talaga :*"

Text nya yan sakin nung bago pa lang kami. Wala naman akong ginawang mali ah.

Wala ...

Wala nga kaya?

Minsan naiisip ko na lang na pagod lang sya kaya hindi na sya masyadong tumatagal sa pakikipag usap sakin. Baka marami lang siyang ginagawa sa school kaya hindi na niya ako natatawagan. Baka madami lang inaasikaso sa bahay. Baka ...

O baka naman. Unti-unti nang nawawala yung magic sa amin dalawa.

Yung LOVE.

Pero bakit ako ganun pa rin naman ako sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin sya. Di naman nagbago yun. Pero bakit? Bakit naging ganito na. Nakakasawa na ba akong kausap? Nakakasawa na ba akong mahalin? Sobra na ba akong topakin kaya hinahayaan mo na lang ako? Bakit dati? Hindi naman ganito?

Mahal mo pa ba ako?

Tanong na di ko makuhang itanong sa'yo ngayon. Siguro kasi natatakot ako natatakot akong baka iba na ang isagot mo. Iba tulad sa lagi mong sagot noong bago pa lang tayo.

"Oo, baby :* Mahal na mahal kita"

Ano bang nagawa kong mali? Masyado lang ba akong praning at ako lang ang nag-iisip na may nabago? Siguro ... Pero siguro mali nga ako na akala ko tayo na hanggang huli.

Natatakot ako ... natatakot akong matapos tayo sa limang salita na itatanong ko.

Mahal mo pa ba ako?

Hindi .. Ayoko! Hind ko kakayanin. Siguro di pa ngayon. Wag muna ngayon.

Mahal kita .. Mahal na mahal at kung ano man tong gumugulo sa isip ko.

Hahayaan ko muna ... hangat kaya ko pa. Hanggat Mahal na mahal pa kita </3

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon