Kabanata 2: ♡Kismet♡
Buong klase ay nanatili akong walang imik sa tabi ni Rome. Pinipigilan ko ang panginginig ng lalamunan ko dahil alam kong kahit anong oras ay muli na namang babagsak ang luha mula sa mga mata ko at hinding hindi ko na matatanggap iyon.
Nang matapos ang klase ay mabilis kong sinamsam ang mga gamit ko at tumayo pero nanatiling nakaharang ang paa niya doon sa dadaanan ko. "Padaan ako." Matigas na bulong ko, iniiwasan kong matitigan ang mukha niyang alam kong punong puno na naman ng pagsusumamo ngayon.
"Can you just give me 10 minutes, Monique." Pakiusap niya.
"Padaan ako." This time mas matatag na ang boses ko, lahat ng kaklase namin ay nakalabas na at kaming dalawa nalang ang naiwan sa class room na ito na siyang pinipilit kong iwasan.
"Please, Monique." Malambing na sambit niya gamit ang namamaos na boses at inabot niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon.
"Four years, baby. Don't throw it all away." Malalim na pahayag niya, nahulog mula sa notebook ko ang rose na binigay ni Ram kanina at hindi ko na napigilang tumakas ang luha ko. "Paano mo ako natitiis ng ganito? Dati naman hindi mo ako kayang tiisin ng isang araw, by, please, alam mong kaya kong kalabanin ang lahat kapag sinabi mong ako na ulit ang mahal mo." Litanya niya.
Ang bigat ng puso ko at hindi ko alam kung paano ko nakakayang makahinga sa kabila nito. "Tapos na ang 10 minutes mo, may sasabihin ka pa ba?" Mahinang bulyaw ko sa kanya na nagpahinga sa kanya ng malalim, humigpit ang kapit niya sa kamay ko at kahit hindi ko siya tignan ay kita ng gilid ng mata ko ang pagpunas niya ng luha sa pisngi niya gamit ang kaliwang kamay niya.
"Tangina naman, Monique, ayaw mo na ba talagang ayusin 'to?" Iritable ang boses niya.
"I'm happy with, Ram." Bulong ko.
"No, you're not." Pagmamatigas niya, bumaling ako sa kanya at halos hindi ko makayang tanggapin ang malalim na pagtitig niya sa akin. "You're not happy with him. I know when you're happy, kabisado ko na ang halakhak at ngiti mo kapag masaya ka. At kailanman hindi ko pa nakikita o naririnig iyon sayo kapag kasama mo si Ram." Pagpupursige niya na nagpakalabog sa puso ko, kailan nga ba ako huling tumawa ng totoo?
"Mahal ko siya."
"Bullshit." Matigas na mura niya at binitawan ang kamay ko. Marahas niyang inihilamos sa mukha ang dalawang palad niya at huminga ng malalim.
"By, alalahanin mo naman lahat ng pinagsamahan natin sa apat taon. Hindi ka ba nanghihinayang?" Punong puno ng kabiguan ang boses niya.
"First boyfriend? Psh. You're hurting me big time. Ako ang una mong boyfriend, ako unang nakayakap sayo, ako ang unang nakahalik sayo, at sinabi mong ako ang unang nagparamdam sayo ng totoong pagmamahal! And then now what? Ipinagmamalaki mo sa lahat na si Ram ang una! Na siya ang una sa lahat! Na siya ang-- tangina!" Sigaw niya at napapitlag ako nang sipain niya ang upuan sa harapan niya!
Humigpit ang hawak ko sa notebook ko at umatras ako. Itinungo ko ang ulo ko at kahit ano yatang pigil ko sa luha ko ay ayaw nitong tumigil.
"Tapos na ang apat na taon, Rome! Tapos na! For pete's sake! Isang taon na tayong hiwalay!" Sa wakas ay may lumabas na rin na salita mula sa bibig ko. Tumayo siya at humarap sa akin kahit nanatili akong nakatungo.
"At isang taon na rin nating pinahihirapan ang sarili natin." Hikbi niya. "I miss you so badly, baby, that every time I think about what we used to, it makes me burst in to tears. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ang bilis ng paghinga niya at maging ang paghikbi niya ay mas lalong lumalakas sa pandinig ko para maghatid ng kirot sa puso ko!
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo ng Tadhana
General FictionHanggang kailan mo kayang magpanggap na hindi mo na siya mahal?