CHAPTER 2

19 3 2
                                    


CHAPTER TWO-what the hell is this??/Serene Academy part 1/

(Sam's POV)

Nasa byahe parin kami ni manong Greg. 2 oras na lang daw ay nandun na kami sa destinasyon namin. Eh 4 na oras na kaming bumabyahe ah. Medyo boring nga lang or should I say boring talaga. Panu ba naman kasi eh ang sobrang tahimik nya. Wala man lang kibo si manong. 


Papasok na kami sa isang malaking gubat syempri nasa highway parin kami. Hmmmmm parang papunta kami sa isang bundok. Hanga ako sa bundok na yun, ang gandang tingnan.


Maya-maya lang ay huminto bigla ang sasakyan. Nagtataka namang tiningnan ko si manong.

"manong ba't huminto tayo?"kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. Tumingin sya sakin na may pagtataka rin sa kanyang mata.

"manong?"tanong ko ulit sa kanya.

"sana noon pa pumasok ka na dun...."sabi nya.

What? "ano poh?" paghihingi ko ng clear statement.

"ngayon lang to nangyari...dapat noong 1st grade palang ay nag-aaral ka na dun..nakakapagtaka..."patuloy nya parin.


Di ko parin talaga naintindihan. Ano bang sinasabi nya dyan? Pero wait.....anong dapat noon palang? Anong ngayon lang nangyari ang ano? Anong nakakapagtaka dun? Ang weird ng mga tanong nyang yun ha. May tinatago palang pagkaweirdo tong si manong. Sa bagay nung una ko palang sya nakita.

Bumuntong hininga muna ako bago nag-salita "Manong Greg, ano po bang sinasabi mo diyan? Hindi kop o kayo naiintindihan." Bumuntong hininga rin sya at napapikit at pagkamulat nya ng magmata nya nagging seryoso na ito.

"simula nung tinayo ang paaralan nayun ay...mula 1st grade ay dun nag-aaral ang isang serns"sabi nya.

What?? Too weird.....-__- "ano po? Anong Serns? Labo po nyo. Hahahhahaha ang unique nun ha...yan po baa ng tawag sa mga estudyante dun? Maganda ba talaga dun manong? Hahahaha grabe manong kahit waley yung joke mo but at the same time nakakatawa rin sya." Napatawa na lang ako sa mga sinabi ko.

"super natural powers? Hmmmm kapangyarihan? Ang laki mo na di mo pa alam yun? Di ba nasabi ng mga magulang mo? Iha lahat ng papasok sa school nay un ay mga serns."seryosong sabi nya.

Napatigil ako sa kakatawa at tinitigan sya ng mabuti. Seryoso nya naman. Ganyan ba sya kung mag jo-joke? Napailing nalang ako. "ewan ko sayo manong. Break na muna ako ha, sumasakit na panga ko sa kakatawa. Ganyan k aba talaga mag joke manong? Walang humor? Hahaha....sabi ko nga break muna ako. Sige po thanks sa joke nyo po."

At dahil sa sinabi kong yun biglang nag bago yung ekspresyon nya. Hala nainsulto ko yata yung matanda. Tumaas yung kilay nya at biglang lumabas ng kotse na nakapikit ang mata. Halatang pinapakalma nya sarili nya. Hala na offend ko yata si manong. Masundan nga.

Lumabas rin ako at nakita syang nakayuko hawak-hwak ang kanyang mga tuhod. Nakita ko ring tumataas – baba ang balikat nya....hala bilis yata paghinga nya...baka na highblood. kung ganon.....patay ako nito.

"bakit po kayo lumabas ng kotse?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanya.

Hinarap nya ako at nangyari ang hindi inaasahan..... "AYUSIN MO ANG PAGSAGOT-SAGOT MO!! DAHIL HINDI AKO NAGJO-JOKE DITO! NONSENSE!!!!!!"

O__O OH........EM........GEE.........Parang nabutas yung eardrums ko sa sigaw nyang yun...

Hindi ako makapaniwala, parang isang katerbang mega-phone ang ginamit nya sa sigaw nyang yun. Pati mga ibon sa mga puno lumilipad paalis. Nakita ko rin ang kotse na umusog ng konti. Ang buhok ko ay tila nililipad ng malakas na hangin. Bumibilis na ang paghinga ko at kasabay rin dun ay ang puso ko. Parang lalabas na yata ang puso ko eh, nagulat talaga ako sa nangyari.At tungkol naman sa sinabi ko kanina lang. kung hindi ko natakpan ang tenga ko baka mabubutas talaga ang eardrums ko. O__O pero hindi yun sapat. All things went out. I can't see anything but only the darkness.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serene AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon