Prologue

7.9K 98 38
                                    

APAT, grupo ng apat na bad boys na hinahangaan at tinitingala sa school namin.

Jeydon Lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka-bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' ang hari ng school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga estudyante. Guwapo, mayaman, sikat, habulin ng mga babae, at siya ang captain ng basketball team. Siya rin ang numero unong bully sa school namin, mapang-asar at napakayabang, malakas mag-yosi at umiinom ng alak, At siya talaga ang mga tao na pinaka-kinaiinisan ko sa lahat.

Troy Mendoza. Siya ang best friend at palaging kasama ni Jeydon. Cute, mayaman, at sobrang kulit. Siya ang womanizer sa kanilang apat dahil siya ang pinakamahilig sa mga babae. Bukod pa doon, siya rin ang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriends niya. Napakarami na niyang babaeng pinaiyak. Isa rin siya sa kinaiinisan kong tao sa school.

Charles Gonzales. Ang pinakamatanda sa grupp. Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam kundi makipag-away. Guwapo, mayaman, sobrang mapang-asar at kinakatakutan sa school. Hindi lang siya expert mang-bully sa school, kundi pati sa buhay ko. Unfortunately, kapatid ko siya. Mahal ko siya pero naiinis din ako sa kanya.

Marky Lim. Siya ang huling kukumpleto sa grupong APAT. Siya yung silent type sa grupo na parang palaging may sariling mundo. Guwapo pero masungit at isnabero. Sabi nila siya daw ang pinaka-player sa kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush ko siya eh. Ang galing-galing iya kawi kumanta tsaka napaka-amo ng mukha niya. Sa grupo nila, siya lang talaga ang matatagalam kong kasama

Ako?
Ako si Candice Gonzales. I'm just a nobody-----
nerdy, weird at forever alone.
Simple at ordinaryo lang ang buhay ko, kaso
lahat biglang GUMULO!
At ang may kagagawan ng gulo ay walang iba
kundi ang FOUR BAD BOYS.

The FOUR BAD BOYS and METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon