PERFECT >.<

6 2 0
                                    


Nakakainis langs hays!! Panu ba naman kasi makapanlait sila. Akala niyo mga perpektong tao. Sana kung lalaitin lang din naman nila yung crush ko dapat yung may ipagmamayabang sila. Panu ba naman nilalait nila ang KATHNIEL >.< nakuwww jusko!! At take note. Kumakain pa kami, grabe talaga!! Buti nalang marunong naku gumalang kung hindi nako ewan ko nalang!!

Alam niyo yung feeling na gustong-gusto mu nang sumabog kaso nagtitimpi ka lang kasi..

Mas mataas sila sayo. Hays!! Alam niyo ba anu nasagot ko? ito "Basta Hindi Ako Naniniwala". Ayoko na sabihin yung mga sinabi nila dahil baka umusok na naman yung ilong ko. Ang peg ko ayun. Tahimik nalang. Hays !! Kahit gusto mu silang sigawan wala ka naman magagawa kasi maliit ka lang sa kanila. Walang-wala ka. Mukha na nga kong tanga dito pero keri langs kaya yan tiwala lang talaga.

Kahit anu man ang sabihin nila syempre di ako magpapapekto. Gosh!! ang daming hirap na ng pinagdaanan ko ngayon pa ba ako susuko. Kung nasan nasa gitna na ko susuko agad ako ? At di sila magtatagumpay sa pagsira ng buhay ko. Panu ba naman kasi kung sinagot sagot ko sila Edi wow!! baka natanggal na ko sa trabaho ko.

Ang word ko para sa sarili ko. Tiis lang kasi di lang naman umiikot ang buhay mu dito marami pa kong mararanasan at maeencounter na ibang tao, yung iba mababait at yung iba masasama. At yung huli talaga ang mas marami.

May taong babaon sayo. Pero dont care, as long as tahimik lang ako at di magpapapekto oks lang.Sila rin naman ang mahihirapan sa panlalait eh. Last word ang hirap talaga ng buhay sa mga taong inggit ang nararamdaman. Mas gusto nilang makasira ng buhay ng iba. Pero oks lang di naman ikaw ang nahihirapan kundi sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon