"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa" ----APOLLO of My Amnesia Girl :)
Mr. Banat (Oneshot)
This story is a work of fiction. Any resemblance to person, living or dead is purely coincidental!
ella_8teen
----------------------------------------------
First day of 3rd year High ngayon. Hindi ako excited kasi for sure! Andyan nanaman yung lalaking wala ng ginawa kundi banatan ako ng sinasabi nilang 'pick-up lines' ---- si Mr.Banat
Oo, minsan kinikilig ako. Pero kasi, kilala si Ace sa School na "Mr. Heartbreaker," madami na kasi siyang naging girlfriend at wala ni-isa siyang sineryoso. So tell me, maniniwala ba ako sa kanya??
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang tinapak ang mga paa ko sa loob ng classroom, Hayyy classmate ko pa siya ngayong year.. SAKLAP T.T
Pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko agad ang pagmumukha niya na naka ngisi sabay sabing,,
"Hi Venice.. bagyo kaba???"
Sinasabi kona nga ba, pick-up nanaman?? Wushoo... Kailan kaya siya titigil? :( Nagsimula lahat 'to nung naging kaklase ko siya nung second year kami.. Dun ko siya unang nakilala, gwapo naman siya.. pero ayaw sakanya ng mga friends ko kasi nga diba? Heartbreaker siya.. at natatakot din akong kilalanin siya, dahil natatakot akong masaktan at maloko.
"Huh? Hindi." Ako naman'tong painosente kahit alam ko namang dapat 'bakit?' yung isasagot ko. Gusto kona talaga siyang tumigil sa paggaganyan, baka kasi umasa ako eh. Ayokong masaktan.
"Ang lakas kasi ng dating mo eh!!"
Hindi ko nanaman alam kung anong irereact ko. Lumingon ako sa likuran ko upang hindi niya mapansin na medyo nangamatis ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Totoo kaya? Lagi nalang kasi akong NGANGA sa tuwing nagpipick-up siya..
"Oh Venice, nice to see you again!! Ang haba ng bakasyon no? Alam mo, kung naging bola ka, di kita maii-shoot lagi kasi kitang namimiss eh."
Sumeryoso yung mukha niya.. Ibigsabihin ba nito, totoong namimiss nya ko?? Ahy! Erase! erase!
"Ah hehe ganun ba?"
Tinignan ko siya at nakita ko siyang nag smile sa'kin. Isang lalaki na lagi akong pinapangiti, di 'ko man maipakita sa kanya, alam ko sa sarili ko na napapangiti ako. Hindi pa naman kasi ako sigurado sa nararamdaman ko eh. Masaya lang siguro ako na may isang taong gumagawa ng paraan para ako'y pangitiin.
Crush? Slight? Siguro? Ewan? Ang galing naman kasi niyang bumanat eh.... Maraming nanliligaw sakin, pero wala silang efforts na ginagawa. Pero si Ace? Kahit na heartbreaker siya, alam ko someday, matututunan niyang magmahal ng totoo, yung maaappreciate niya kung gaano kalahalaga yung isang tao. Hihilingin ko bang sana, ako yung maswerteng babae na 'yun?
Dumating na yung teacher namin kaya naman nagkanya-kanya na kaming upo. At ang una niyang sinabi ay kailangan daw alternate yung boys and girls sa upuan kaya pinatayo niya ulit kami lahat.
"Ms. Venice Santos, you may seat here." Turo ni Ma'am dun sa may gitna.. Okay? Bat naman sa gitna pa? At dala-dalawa lang ang magkatabi kasi nga nasa gitna meaning na lalaki ang makakatabi ko... Sana... sana.... sana wag 'siya.'
BINABASA MO ANG
Mr.Banat (OneShot + Sequel)
Teen FictionMR. BANAT [ONESHOT and SEQUEL] Pick-up line/s story that will make you kilig!! (HopeSo) (。♥‿♥。) Credits to @chibi-piglet on tumblr for the cover!! <33 Love ya all :))