Na-in Love Ako Kay Kupido

467 30 43
                                    

Na-in Love Ako Kay Kupido

One Shot Story

written by: kira_ogura

~~~

Si Deo ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Ulysses. Kung bakit ako nagkagusto sa kanya, kung bakit niya ako niligawan, kung bakit naging kami, kung bakit ako nakaranas na maiwanan at kung bakit ako nasaktan.

"Kasalanan mo, Deo!"

"Hmmm?"

"Mamatay ka na! Pakyu! I hate you!"

Ngumisi lang siya habang pinapanood akong umiiyak.

"Kasalanan mo! Kasalanan mo! Bwisit ka!"

Kung hindi dahil sa kanya, sana hindi kami nagkakilala ni Ulysses. Hindi ako nagkagusto sa kanya, hindi niya ako niligawan, hindi naging kami, hindi niya ako iniwan at hindi ako nasaktan! Kung hindi lang dahil kay Thaddaeus Carreon!

"Ako? Kasalanan ko? Hindi ba't nung isang araw lang ay sobra kang nagpapasalamat sakin kasi pinagtagpo ko kayo ni Ulysses?"

"Nung isang araw yun! Malay ko bang gagawin niya sakin to? Kasalanan mo e, Deo!"

Humagulhol ako. Nakakainis! Ang sakit-sakit pala. Ganito pala masaktan! Ayoko na!

Ito namang bwisit na walangyang Deo kung makatingin parang ako na ang pinakanakakaawang tao sa mundo. Ayaw ko talaga pag ganyan siya tumingin!

"Aww, little Colleen.. I'm so sorry.. What do you want me to do, huh?"

Nainis ako lalo dahil sa pang-aasar niya. Nakakairita talaga siya! Bakit kasi nagtitiwala pa ako sa kanya?

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ayusin mo to! Tutal ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit to nangyari! Habangbuhay na sana kitang pasasalamatan, Deo, dahil nagkakilala kami ni Ulysses dahil sayo. Okay na sana e! Kung hindi mo lang yun ginawa! Tuloy, nawala siya sakin! Iniwan niya ako! At nasasaktan ako ngayon!"

Oo! Siya talaga ang may kasalanan! Ito kasing si Deo, hindi sumipot sa usapan naming tatlo nina Bryce. Mamimili dapat kaming tatlo ng materials para sa project namin. Pero nang-indian siya kaya kaming dalawa na lang ang natuloy sa mall. Wala naman akong kaalam-alam na makakasalubong namin sa daan si Ulysses at magseselos siya ng sobra. Akala niya nagdidate kami ni Bryce. Nagpaliwanag ako pero ayaw niyang maniwala. Sinabi kong para yun sa project namin at kasama din dapat namin si Deo pero hindi siya nakinig. Sinabi niyang nagdadahilan lang daw ako at idinadamay ko pa si Deo. Sobra siyang nagalit sakin kaya bigla na lang siyang nakipagbreak.

"WAAAAAAHH! Deo! Nakakainis ka!"

Hindi ko makakalimutan kung paano nakipaghiwalay sakin si Ulysses. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Nilapitan ako ni Deo. Nawala na ang kanyang ngisi at ang mapaglaro niyang mga mata. Natahimik tuloy ako nang makita siyang ganoon kaseryoso.

"Then, Colleen. Tell me. What do you want me to do?" tanong niyang muli. "Do you want me to console you? O tutulungan na lang kitang makahanap ng iba?" Nafafrustrate niya akong tiningnan. Duh? Ako nga ang dapat mafrustrate dito!

"Makahanap ng iba? Nababaliw ka na ba, Deo? Mahal ko pa rin si Ulysses! Tingin mo makakalimutan ko siya ng ganun kadali?"

"So you're saying that you want him back?!"

"Obviously!"

"Why?"

"Sinabi ko na di ba? It's because I still love him, Thaddaeus."

Na-in Love Ako Kay Kupido (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon