From:
Tagalog Quotes for her
lahat ng tao kaya kang pangitiin,
lahat ng tao kaya kang paiyakin,
pero isang tao lang ang pwedeng magpangiti
at magpaiyak sa'yo ng sabay. Yung taong mahal mo...
Ang hirap kapag yung taong pinapahalagahan mo ng sobra
may ibang taong pinapahalagahan din ng mas sobra.
"I need space." ang pambansang dahilan
kapag gustong gusto mo ng kumalas sa isang relasyon.
Sa mga nagsabi nyan, good luck sa pagiging atsronaut!
Alam ko balang araw maghihiwalay din tayo,
pero bago pa mangyari yon, papadama ko sayo
na wala ng tao ang magpapadama pa sayo ng
ganitong pagmamahal, malay mo sa ganoong paraan
hindi mo na ako hiwalayan.
Kahit lagi kang nagtatampo, kahit lagi kang may mood swing,
kahit lagi mo akong hinahampas ng bag mo kapag nagagalit ka,
kahit lagi mo akong iniirapan at sinusungitan kapag bad trip ka.
Ok lang yon, wala naman ako magagawa, MAHAL KITA eh.
Siguro pag nawala ka mamatay ako,
kase ikaw yung taong nagbibigay sakin
ng lakas para huminga at lumaban.
Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin,
kaya hinding hindi ko hahayaan na
basta basta ka na lang mawawala sakin.
Araw araw kasama kita, araw araw nagkikita tayo,
araw araw pinapadama mo sakin na mahalaga ako sayo.
Sana araw araw ganito na lang, kasi hindi ko na alam
kung paano mabuhay ng wala ka.
Nandito lang ako, kapag kailangan mo ng kaibigan,
ng makakausap, ng maiiyakan.
Sabi ko kasi sayo iwan mo na siya eh.
Ano bang nakita mo sa kanya?
Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sayo
para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.
Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay
pero para sa'yo babaguhin ko lahat ng bagay
na pag aawayan natin. Kasi mahal kita.
Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal,
wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano
susukatin yung pagmamahal ko para sa'yo.
Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita,
lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay.
Sabihin man nilang ang "cheesy" ko pero
para sakin totoo lahat yon, kasi sa buhay ko ngayon
ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan
kaya hinding hindi na kita pakakawalan.
Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay,
magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos,
magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang
ang hinahangad ko. IKAW. :)
Alam ko laspag na tong mga ganitong banat
pero hindi ko matiis sabihin na sa tuwing nakangiti ka,
para kong nasa ulap. :)
Ituturing kitang prinsesa at ako yung prinsepe,
parang fairy tale diba? Kasi gusto ko sa bandang huli
"we live happily ever after."
BINABASA MO ANG
Love definition (~quotes~)
RomanceSa mga inlove, inspired, bored, kailangan ng motivation o brokenhearted. Ito ang bagay na basahin. Compilations of my favorite love quotes. I didn't own it. Hope u enjoy reading it. *Yongseogirl*