2

2K 38 0
                                    

Aly's POV

Nandito na ako sa office ko ngayon. Hindi parin nakakauwi si Den. May business trip kami mamaya. And I don't even know kung sino makakasama ni Alexa sa bahay namin.

"Hello, Alex. Baby. May business trip ako mamaya. Kay tita Mela mo muna ikaw maki stay. If that's okay with you." -Ako

"Sure dad. Kanina, nandito si mommy. Kumuha lang siya ng ilang damit. May biglaan daw kasi silang medical mission. Then umalis na agad. By the way dad, gaano katagal ka ba sa business trip mo?" -Alexa

"Ahh. Ang mommy mo nga naman talaga. Baby, mga one week kami dun. Why? May ipapabili ka ba?" -Ako

"Wala naman Dad. Kasi po, may fieldtrip kami the next two days. Hihingi sana ako ng allowance. Tsaka nasabi ko na po ito sayo noon diba?" -Alexa

"Ahhh, yes baby. Mamaya, pag uwi ko, iaabot ko sayo yung allowance mo. Mag aral kang maigi and at the same time, mag enjoy ka dun. Okay?" -Ako.

"Oo naman dad. I want to be successful like you. Kasi in the near future, ako ng hahawak sa company natin." -Alexa

"Haha! Sure princess. Kung yan naman ang gusto mo." -Ako

"Oh sige na dad. Kumain ka diyan! Magagalit si mommy sayo. I love you." -Alexa

"I love you more." -Ako

Inend ko na yung call at nagpatuloy sa pagta-trabaho.

....

Pag uwi ko sa bahay naabutan ko si Alexa na nakaupo sa sofa. Nanonood ng tv.

"Daddy, naiayos ko na yung mga gamit mo. Nasa maleta na. Check mo nalang kung may kulang pa." -Alexa

"Sige, mamaya na." Sagot ko at inabutan siya ng 15k.

"Dad, this is too much. Okay na sakin yung 5k. Pero 15k? Sobra 'to daddy." -Alexa

"Baby, bilhin mo kahit anong gusto mong bilhin dun. Okay? Pag kulang pa, mag withdraw ka." -Ako

"Thank you dad." Sabi ni Alexa

"Oh, sige na. I'll just check on my things. Tapos ihahatid na kita sa tita Mela mo." -Ako

"Ako na daddy. Marunong naman po ako magdrive. Tsaka para di ako mahirapan papasok, dadalhin ko na yung car ko. Sasabihin ko kay tita na tawagan ka pag nakarating na ako sakanila. Okay? Take care of yourself, dad."

"I will. You too." -Ako.

Lumabas na ng bahay si Alexa and narinig kong umalis na siya. Pumasok muna ako sa kwarto namin ni Den at tinignan yung mga gamit ko na inayos ni Alex.

Kumpleto na lahat kaya naligo muna ako, nagbihis at saka umalis.

.....
Alexa's POV

Hi! I'm Alexa Den Valdez. The one and only daughter of Alexis and Dennise Valdez.

Nagd-drive ako ngayon papunta sa bahay nila tita Mela. Naisipan kong magpunta sa isang pastry shop para pasalubong kay Tita Mela at kay Carlene, anak ni tita Mela at tito Kim.

Nang makapasok ako sa loob ng shop, may mga tao na kumakain. Tss. None of my business. Nagdiretso ako sa cashier at nag order ng cake. Chocolate cake.

Naupo ako, habang iniintay yung order ko. Then, I saw two people, nagsusubuan ng cake. Two seats away sila sakin. Tinitigan kong maigi, baka kasi namali lang ako ng nakikita. Then, all is clear to me. Si mommy yun and si tito LA? Huh? What is the meaning of this? I thought nasa medical mission si mommy? What's this? Tumayo ako at lumapit sakanila.

Nang nasa harap na nila ako, I saw them kissed on the lips. They didn't notice me yata?

"Ehem." -Ako

Tinignan ako ni tito LA, he looks shocked. Pero wala akong pakialam sakanya. Naglipat ako ng tingin kay mommy. Mukhang shocked din siya. Nag smirk ako sakanya. Tsk.

"Adi, let me explain." -Mommy

"Not now, MOM! Mag explain ka sa'min pag nahanap mo kami ni DADDY." -talagang inemphasize ko yung word na Mom at Daddy.

I bet walang kaalam alam si Daddy sa mga ginagawa ni Mommy. Tss. Ano bang mali kay Daddy? Ano bang kulang? Hays.

"Ma'am Adi, yung order niyo po." -Sabi nung Crew.

"Yeah, just a minute." Sagot ko.

Tumingin ulit ako kay Mommy at nagsalita ulit.

"Mom, hey. Good bye. Mag enjoy ka sa medical mission mo." -Ako

"Adi, please. Wag mong gawin sakin 'to." -mommy

"Huh? Wag gawin sayo 'to? Mom? Naririnig mo ba sinasabi mo? Sana naisip mo yan noon. Aalis na ako. Bye." Sabi ko at pumunta na ako sa cashier para kunin yung order ko.

Paglabas ko ng shop, sumakay agad ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay nila Tita Mela.

...
Pagdating ko sakanila, niyakap ako agad si Tita Mela at umiyak. Niyakap niya rin naman ako at pinatahan.

"Adi, what's wrong?" -Tita Mela

"Tita, I saw mommy." Then ikinwento ko sakanya yung nakita ko kanina.

"What? I can't believe her." -Tita

"Tita, I don't know what to do. Paano ko sasabihin kay Daddy? Ayokong masaktan siya. Alam kong mahal niya si mommy. Paano na?" -Ako

"Hayaan mo muna, okay? Palipasin mo muna." -Tita

Nagnod ako at nagpunas ng luha sa mukha ko.

"Adi, take a rest muna. Okay? Gisingin kita kapag dinner na." -Tita

Umakyat na ako sa guest room nila.

*riiiiiing*

Dad calling...

"H-hello, Daddy? Nandito na ako kay Tita." -Ako

"Umiyak ka ba, Alex? What happened?" -Daddy

"Daddy, wag muna tayo magpakita kay mommy. Please? Don't answer her calls. Please daddy, pagdating ko ng Manila galing sa fieldtrip sa hotel muna tayo mag stay. Please? Kahit for one week lang." -Ako

"Why? May problem ba kayo ng mommy mo? Nagmamaldita na naman ba ang prinsesa ko gaya ng mommy niya? What happened baby? Tell me." -Dad

"Wag ngayon Daddy, sasabihin ko sayo sa personal. Please, wag na tayo muna magpakita kay mommy." -Ako

"If that's what you want." Dad

"Sige, Dad. I love you. Take care." -Ako

"You too. I love you more." Dad

Then he ended his call.

Nahiga ako sa kama at dahil sa kakaiyak, nakatulog nalang ako.
----------------
A/N: SHORT STORY LANG TO GUYS. SORRY SA TYPO.

When The Love Is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon