Lord, patawad (Real Life Story; about attending Mass)

215 3 2
                                    

Bakit pa sinabing, "FANFIC" sa isang story, Click agad at basa. Lagay sa library. Pero pag about kay God, binabalewala?

Andito ang mga kasagutan. Basahin at intindihin.

Sa mga hindi nasimba dyan, matututunan niyo to. 

Sana matauhan kayo dito. At sana naman,  kung hindi kayo nasimba.. Magsimba na kayo.

Ayoko mangyari sainyo to.

Hindi naman po sa nananakot ako, pero THIS IS A REAL STORY.

Homily po ito ni Father kanina..

-- July 21, 2013 

**

May dalawang mag-kumpare na dati pa lamang ay mag-kaibigan na sila..

Si... Tawagin nalang natin siya sa pangalang, "Robby.", ay isang mayamang lalaki at si "Roberto" naman ay may normal lang na buhay.

Linggo linggo, habang nadadaanan ni Roberto ang bahay na malaki ni Robby, ay lagi siyang humihinto dito para sabihan at yayain ang kaibigan niyang si Robby para magsimba.

"Pare, tarang sumimba," yaya nito kay Robby. 

Pumasok siya sa loob ng gate at doon nila pinagpatuloy ang kanilang kwentuhan.

"Pasensya na pare," tapik nito sa balikat ng kanyang kaibigan. "Oras para sa pamilya ko ngayon eh, sobrang busy kasi kami buong linggo."

Na siya namang ikinalungkot ni Roberto. Bakit simula nang yumaman si Robby, hindi na siya malapit sa Diyos?

"Ganun ba? Sige, sa susunod nalang." Lumabas si Roberto ng mag-isang dala ang sarili niya. Malungkot dahil hindi na masyadong nagsisimba si Robby simula ng magka-pamilya.

Sumakay na ulit siya sa kanyang sasakyan at nagsimba..

....

Isang linggo ang lumipas. 

Sisimba ulit si Roberto kasama ang kanyang pamilya.

Nadaanan niya ulit ang bahay na malaki ni Robby. 

Tumigil ito dito at bumaba. Nag-doorbell at may nagbukas ng pinto.

"Pare!" tawag ni Robby kay Roberto.. Pinapasok naman niya ulit ito sa loob ng gate. "Pasok ka," aniya papapasukin na si Roberto, pero tumanggi ito.

"Hindi na." na siyang pinagtaka ni Robby, pumunta pero ayaw pumasok?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lord, patawad (Real Life Story; about attending Mass)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon