Hear Him Out

177 13 10
                                    

[ This chapter is dedicated to her kasi habang nag-u-update ako, ka chat ko siya! Hahaha. Hi, Camille! (FC ko. LOL.) ]

Ji's POV

Mahal ko siya..

Hindi naman tumigil ang pagmamahal ko sa kanya.

Buong akala niya nakipag-break ako sa kanya dahil hindi ko na siya mahal. Oo, sinabi ko yun sa kanya pero kabaliktaran nun ang nararamdaman ko.

Ang totoo niyan.. nalaman ng papa niya ang relasyon namn. Kinausap ako ng Papa niya. Hiwalayan ko daw si Ailee dahil wala siyang tiwala sa akin.

Wala akong ibang choice. Natakot ako para sa aming dalawa kasi pag ipinagpilitan pa namin ang relasyon namin, baka magkagulo lang. Ayaw kong magalit si Ailee sa papa niya sa paghihiwalay niya sa amin kaya pinalabas ko nalang na hindi ko na siya mahal para sa akin nalang siya magalit at hindi sa papa niya.

Akala ko, sasang-ayon ang lahat sa plano ko. Pero nalaman ko nalang na siya pala ang nagpapadala ng mga letters sa akin.

Nakaramdam ako ng saya at pag-asa ng mga oras na yun. Ibig sabihin lang nun, mahal pa niya ako kahit sinaktan ko siya. Kaya gumawa ako ng paraan para magkabalikan kami. Kinuha ko ang tiwala ng papa niya. Ang saya ko lang nung araw na pinayagan na ako ng papa niya na balikan si Ailee. Nung araw na nadatnan ko siya na naglalagay ng letters sa locker ko, kinausap ko na siya. Akala ko yun na, akala ko, magtatapos na ang paghihirap naming dalawa. Yun pala, akala ko lang, kasi tumakbo siya. Tumakbo siya palayo sa akin.

Nasasaktan pa rin siya. Kaya, i gave her time and space.. Kailangan niya yun.

Hindi muna ako lumapit sa kanya, dinistansya ko muna ang sarili ko.

Pero panaparamdam ko pa rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa pamamagitan ng letters.

Oo, alam kong ang coorny, pero yun lang ang alam kong paraan at walang corny sa taong inlove.

"I broke up with you for reasons, and I want you to hear them out." -Ji

Ipinuslit ko ito sa locker ni Ailee. Nakita ko siyang paparating kaya dali-dali akong nagtago sa may cr ng boys. Malapit lang kasi yun sa locker area. Pinanood ko siya habang binabasa niya yung sulat. Napasandal siya sa locker niya habang hawak-hawak yung letter.

Napagdesisyunan ko'ng lumabas. Nilapitan ko siya at napatitig nalang kami sa isa't-isa. Pareho kaming maraming gustong sabihin pero walang lumalabas sa mga bibig namin.

Ilang sandali pa., tumulo ang mga luha niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit. God,i missed her.

Bumitaw ako sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi niya habang ipinapaliwanag ko lahat.

"B-bakit hindi mo sinabi kaagad?" tanong niya habang umiiyak pa rin. Iyakin talaga oh. :)

"Ayoko ngang magalit ka sa papa mo."

"Sus,si papa talaga, humanda siya sa akin mamaya." natatawa niyang sabi. Hinalikan ko siya sa noo.

"Im sorry Ji, kung hindi ako nagtiwala sayo. Nag-inarte ako yun pala ikaw tong mas nahihirapan. Ikaw naman kasi, may sakripisyo ka pang nalalaman."

"It;s okay. Mabuti ngang nangyari yun eh kasi mas napatunayan natin na mahal talaga natin ang isa't-isa."

Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

"Ang corny mo pa rin. Mahal kita."

"Mas mahal kita Ailee."

The End!

Thanks for reading guys. Please comment kayo kung ano'ng tingin niyo dito sa story. Kung maganda ba o patapon ba. Hahaha! It's okay kung hindi kayo mag-vote. Just comment your reactions.

Kamsamnida.

~hannah

Letters to my EX (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon