Alexa's POV
Agad ko binigay sakanya ang phone niya, ngayon bati na kami ni Jasmin kailangan ko ng tulong niya. Habang naglalakad kami bigla ko siya hinawakan sa braso niya para may palambing din.
"Ahmp.. Jas," tawag ko sakanya.
"Oops? May chicka ka?" Sabi niya. Bigla ko siya tiningnan ng parang ewan, oo may chicka ako sakanya tungkol sa one problem ko na necklace.
"Jas,.. Kasi.." Dumiritso na kaya ako magsalita.
"I need a help, kasi yung kwentas na kay Stephen"
"Hah!? P-paano niya kinuha sayo yun?" Gulat na sabi ni Jasmin. Eh papaano naman kasi? Abnormal Casanova na yun.
"Alexa, tingnan mo sa labas si Sehun may kasama babae inaakbayan niya yung girl... Yuck! The b*tch!" She says while her face sarcasm. Nakakatuwa talaga si Jasmin parang siyang bitter haha!!
"Hoy, Jasmin para kang bitter diyan eh. Hahaha teka ito pala gusto ko sana humingi ng tulong sayo eh," sabi ko.
"Ano yun?"
"Kung ikaw papipiliin...hmmp kung ikaw pipiliin yung condition niya para lang makuha ang necklace or yung hahayaan mo sa wala?" I said.
"Lol!, diba mahal mo si Necklace!? Gawin mo yung decision mo" she said. Patay, gagawin ko talaga decision ko? Teka kung magpapanggap man kami hindi ko naman seseryosohin.
"Tama! Kailangan ko yun!" Agad ako tumayo at hinabol siya habang kasama bitch girl na yun!.
"SEHUNN!!" Agad siya lumingon.
"What!?" Tanong niya habang napakunot siya ng noo niya.
"I need to talk" agad ko siya hinila papunta sa corridor pero, yung girl nakatulala siya sa ginagawa ko haha iniwan namin ni Sehun sa ere! Haha.
"What?, what is your problem??" He asked.
"Stephen Hunter Sandford, I would like to tell you, that I retract what I said to you yesterday, I've decided that I deal with your condition" I said. At tumingin kami ng eye to eye contact, grabi nakakamatay ang mata ni Sehun nakakainlove no! Hindi pwede mainlove sa kanya pagpapanggap lang to.
"Oh? Are you sure ? In your decision?" Tanong niya agad ako tumango sa kanya.
"Oww,well okay.. Umpisa ngayon girlfriend na kita as girlfriend lang hindi real girlfriend" he said. Oo as girlfriend mo lang ako Sehun ayaw ko maging boyfriend kita eww kay Oliver lang ako.
"OK, I know as lang diba!? So yung kwentas ko?" Inilahad ko any kamay ko sakanya.
"Oh, tapusin mo muna ang 50 days bago kunin ang napakamaganda kwentas mo!? Gets?!" Sabi niya, pero ang boses niya tumaas, parang sinisigawan ako.
"Aba! Ako na nga nakipag deal tapos sigaw-sigawan mo ako!?"
"Ugh, I'm sorry babe" he said. Babe? Nakakadiri pakinggan babe pa any tawag niya sakin.
"Oh sige na alis na ako pupunta na ako sa classroom" I said.
"Hatid na kita,"
"Wag na, kaya ko na sarili ko at saka wala ako sak--"
"Ano purpose ng pag-giging boyfriend ko sayo kung hindi ako gumagawa ng effort sayo?" He said. Wala ako masabi sakanya.
"Hays, sige na nga hatid mo na ako" I said.
"Babe? Tawagan mo naman ako babe" he said. No choice kundi tawagin siya babe daw.
"Oo na babe,hatid mo na ako" hindi ko kakayanin to.
Hinatid niya ako papunta classroom pero nang hinatid niya ako jusko, nag t-tsmis na mga classmate ko tungkol samin no Babe Sehun, ay este Sehun. Pero habang nag chicka sila tungkol sa amin hinalikan niya ako sa noo.
"Bye, babe mag-aral mabuti hah," sabi niya habang ang boses niya nakakainlove. Pero hindi ko yun crush iba crush ko si Oliver Ang crush ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova Campus
Teen Fictionby:Flyinez magbabago kaya si Sehun sa kanyang pagka Casanova at gangster? ang inaakala ni Irene Kay Sehun ay Hindi magbabago kaya ginawa ni Irene pumayag siya sa kasunduan nila Sehun na magpapanggap na may relasyon sila para paselosin ang Ex-girlfri...