“Nasaktan at nagdusa ng sobra
Umiyak nang parang isang kawawang bata
Pambihirang mga luha
Tila ayaw tumigil at mawalaNgunit di ako ginawa ng Bathala
Upang iyakan ang isang taong walang kwenta
Mapaglaro nga talaga ang tadhana
Ngayon sa aki'y ika'y nawalaIniwan nalang sa ere
Na para bang walang nangyari
Paano na ang mga pangako?
Tuluyan na bang mapapako?Patuloy na kumakapit
Ngunit sa iba ka na nalapit
Nasasaktan ang damdamin
Hindi na alam ang gagawinGinawa ko naman ang lahat
Ngunit hindi pa pala iyon sapat
Hinding-hindi kita makakalimutan
Ngunit sa ngayon ay kailangan ko nang bumitaw ng tuluyanSa iyong paglisan
Walang naging sandalan
Dahil sa iyong kagagawan
Napakaraming mga basang unanHayaan mo, mahal ko, huli na ito
Pagkatapos ng tulang ito, madami nang magbabago
Ngunit hindi ako mawawalan ng pag-asa
Madami pang darating na magagandang umagaHanggang dito nalang siguro
Umasang hanggang dulo ang pag-ibig na ito
Eto na, aking mahal, nasa wakas na tayo
Salamat, salamat sa pag-ibig na ibinigay moIto na, ito na ang simula ng buhay na wala ka sa piling ko.”
At lahat kami ay binigyan siya ng masigabong palakpakan.
Nandito kami sa isang bar kung saan kami nagpa-partime job ng bestfriend ko. Tumutugtog ako ng gitara at kumakanta habang siya ay nagpi-piano. Pero ngayon may ginawa siyang kakaiba, tumula siya ngayon sa harap namin at mukhang naka-relate naman ang mga tao dito sa kanyang malungkot at madamdaming tula.
Hindi naman kami mahirap para magtrabaho ng maaga. Gusto lang namin makatulong sa mga magulang namin since 2 years nalang ay college na ako. Besides, we love what we're doing. It's our passion. We gotta love our job.
Bumalik na siya sa kinauupuan niya sa tabi ko. “Ang lalim nun bestfriend ah? Iba talaga pag may pinaghuhugutan,” sabi ko.
Ngumiti siya ng mapait, “Wala eh. Ganun talaga.”
“Kaya ayokong ma-inlove eh. No boyfriend, no problem! Kailangan ko munang makatapos bago ‘yang lovelife na ‘yan.”
“Sus, madali lang ‘yan sabihin, pero napakahirap gawin o sundin. Parang diet at pagmo-move on lang. Love comes the least you expect it.”
“Hindi ‘yan! As long as magfo-focus ako sa studies ko, di ko maiisip ‘yan.”
“Whatever you say, bestfriend.”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“Basta, I'm just here for you. I don't know when but I'm sure you'll forget about him soon. You deserve to be loved. ”
“Thank you, bestfriend. I'm so blessed to have you. I don’t know what I’d do without you. Mami-miss tuloy kita lalo niyan!” sabay hampas sa akin. Bigat ng kamay ah!
“No worries, bestfriend. Kaya nga mag-bestfriend tayo, eh. Tayo lang din naman ang magtutulungan. Mami-miss din kita lalo!”
And we hugged for a minute.
Kawawa naman ‘tong bestfriend ko. Pano ba naman kasi, naghiwalay na sila ng boyfriend niya. Tsk. Eto pa naman ang pinaka-ayaw ko, yung nasasaktan yung bestfriend ko. Kasi nasasaktan din ako, eh.
Buti pa ako, walang crush, walang gusto, no boyfriend since birth! Kaya nangako ako sa sarili ko.
Hindi ako ma-iinlove o magmamahal.
Kahit na almost perfect pa siya.
Kasi masasaktan lang din ako.
Hindi pa ito ang tamang panahon.
——
{AN: Yung tula sa simula na ang pamagat din ay “Simula,” ako mismo gumawa nun. If ever hiramin niyo or what, credits nalang. :) yun lang, enjoy!}