#HASHTAG

437 15 12
                                    



"GOOD morning, babe." Humalik si Allan sa pisngi nang kasintahan.

"Morning..." walang ganang sagot ni Jianne, ni hindi nag-abalang lingunin siya.

Bumaba siya nang kama at kinuha ang cell phone sa bulsa ng pantalon, "Aw, shit!" Walang pag-iingat na inihagis niya iyon sa ibabaw ng backpack pagkabasa sa text message at tinakbo ang banyo para mabilis na magsipilyo't maghilamos.

"Bakit, babe?" sigaw ni Jianne mula sa kinauupuan kung saan tutok ang mga mata sa screen nang laptop.

Nasa ibabaw nang vanity table nito ang laptop. Iyon ang paborito nitong puwesto kapag nagsusulat ng horror stories. Screen writer kasi ito sa isang telebisyon para sa mini-series na ipinalalabas gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

"Alam mo ba iyong NetCafe sa kabilang kalye na madalas nating puntahan noong wala pa tayong computer dito sa apartment?" lumabas siya ng banyo at isinuot ang kupas na pantalong maong at puting kamiseta.

"Oo, bakit?" nakatutok pa rin ang mga mata nito sa white screen ng laptop, tila walang maisulat.

"May natagpuang isang binatilyo, duguan at nakasalampak sa ibabaw ng keyboard. Pudpod ang mga kuko at ...patay na." Hinablot niya ang itim na jacket sa paanan ng kama at isinuot.

Nakatingin siya sa kasintahan habang nagmamadali sa pagkilos. Pagkuwa'y napapalatak dahil mukhang may writers block na naman ito. Siguradong buong magdamag itong dilat sa harap ng laptop.

"O sige na, babe. Naghihintay na sa akin si Alex doon, baka wala na akong maabutan dahil huli na ako.

"Wait, did you say...dead body?" saka lang ito lumingon sa kaniya.

"Oo." Kinuha niya ang susi ng SUV sa vanity table at naghanda sa pag-alis.

"Babe, pasama!" Tumayo ito at mabilis na nagbihis.

"Ha? Bakit? Bawal kang sumama sa trabaho ko. Magre-report ako at hindi makiki-usyoso."

"E pareho rin iyon. Reporter ka nga 'di ba kaya usyusero ka rin. May lisensiya ka nga lang maki-usyoso."

"Baliw," nangiti siya sa tinuran ng kasintahan. "Hindi ka pa rin puwedeng sumama," pero naghintay pa rin siya sa may pintuan.

Katulad niya'y maong na kupas at puting kamiseta rin ang isinuot nito. Ipinusod lang nito ang mahabang buhok. Napakaganda talaga ng kaniyang kasintahan. Mapalad siyang sila pa rin sa loob ng limang taong pagsasama.

"Tara!" Nakangiting nagpatiuna pa ito sa pagpanaog sa hagdan mula sa ikalawang palapag nang kanilang inuupahang apartment.


Wala silang imikan na tinugma ang daan papunta sa NetCafe. May kani-kaniya silang iniisip. Nang makarating ay mabilis siyang bumaba at sinalubong naman siya ni Alex na may dala-dalang camera. Nilingon niya si Jianne subalit mabilis rin itong nakababa at agad pumasok sa loob ng internet shop.

Napa-iling na lang siya. Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na naki-usyoso ito sa mga patayang ibinabalita niya. Ayon dito, sa ganitong paraan daw ito nakakakuha ng inspirasyon sa mga isinusulat na katatakutan.



"May nakuha na akong footage nang bangkay. Grabe, 'tol...ang brutal ng pagkamatay niya. Hindi ko matanto kung paano siya pinatay. Marami na akong nakuhang litrato kaya pumasok ka na roon at magbalita. May sampung minuto ka para mag-isip ng masasabi," turan ni Alex.

#HASHTAG (One Shot Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon