1. Balatan mo muna yung mangga, siguraduhin mong hindi maghahalo ang balat sa laman. Pagkat ang balat ng mangga ay mapait kasing pait ng aking nadarama sayong hayop ka!
2. Sa kabilang lalagyan, ihalo ang all-purpose cream at ang condensed milk. Damihan mo ang condensed milk, kung gusto mo nga eh ubusin mong lahat ng condense milk sa tindahan ni Aleng Nena, katulad ng pagkakaubos ng aking respeto sa aking sarili. Bushet! Sige damihan mo pa ang condense milk para maging mas matamis, kasing tamis na aking nadarama sa tuwing akoy iyong pinapa-asa. Peste! Magka diabetes ka sana.
3. Kunin ang baking pan o kahit na anong lalagyan, tutal sanay ka namang walang paki alam. Ilagay ang unang layer ng graham crackers. Siguraduhing maayos ang pagkakahilera nito tulad ng maayos na pakikitungo mo sa akin nung una.
4. Ibuhos ang mixture ng gatas tapos lagyan ng layer ng mangga, sundan ng isa pang layer ng dinurog-durog na Grahams. Oo! siguraduhing durog na durog ang pesteng biscuit na yan katulad nang pagkakadurog ng aking puso sa tuwing may kasama kang iba.
5. Repeat step 4. Ulit-ulitin eto hanggang sa ikaw ay makontento. Pero malamang magiging mas mataas pa yan sa Petronas tower kasi hindi ka naman marunong makontentong hayop ka!
6. Pagkatapos ng lahat lahat, ipasok ang mango float sa ref para palamigin ito. Kasing lamig ng iyong pakikitungo!
7. Ngayong handa na ang lahat eh pwede mo na etong kainin. Dahan dahan lng kasi baka ikaw ay mabilaukan kasi kahit ano't ano pa man... sa iyo ay mayroon pa rin akong nararamdaman.
{P.S. ang lahat nga nakasaad dito ay pawang kathang isip lamang at hindi hango sa tunay na buhay! kng feeling mo parang totoo ang emosyon sa aking recipe eh mag isip ka muna... yan tayo eh... kaya nasasaktan kasi feeling feeling na may something pero wala pala.}
#justforfun 😆
[Sept 9, 2015]