P1: Aminan ng feelings

15 1 0
                                    

2nd year highschool lang si Alia at nag-aaral sa isang private school nang makilala niya si Lorence. Isang simpleng lalaking konduktor/assistant ng isang school service ng kanilang paaralan. Isa sa mga kaibigan ni Alia ang naging suki ng service na iyon. Ipinakilala sila sa isa't-isa dahil nakalimutan ng kaibigan ni Alia ang libro nito sa service at sinamahan niya ito. Saktong nagpapahinga doon si Lorence.

Elisa: Kuya Lorence. Buksan mo ito.  (katok nito sa pintoan ng naturang sasakyan)

Lorence: Ha? Bakit? (bangon nito sa pagkakahiga palatandaang ito ay nagpapahinga)

Elisa: Nakalimutan ko AP book ko. May assignment kami eh.

Binuksan ang pinto at nakita niyang may kasama ang batang si Elisa pumasok sa kanilang service.

Alia: Hello po (15 yrs old at kumaway kay Lorence na 18 yrs old. Napatango na lang si Lorence dahil nakaramdam ng hiya sa kasamang kaklase ni Elisa. Di niya pa kilala ang babae kaya halos di muna sya kumikibo habang kinukuha ni Elisa ang libro nito sa bag.)

Lorence: O ano?Nakuha mo na?

Elisa: Opo. Salamat Kuya Lorence. (Nakipag Apir kay Lorence)

Alia: Hoy! di mo ba ako ipapakilala sa kinukuya kuya mo na yan?

Elisa: Ha? Ay oo nga pala. Kuya Lorence, si Alia nga pala. Kaklase ko.

Alia: Hello po ulit. Friends na tayo ha. ( Itinaas ang kamay na palatandaang nakikipag apir din siya kay Lorence na nag aalangan sa una pero tinanggap din.) Ayan! Tara na. Malalate na tayo.

Elisa: Kaya nga tara na nga eh. O pano kuya. balik na kami sa classroom.

Lorence: Sige. (Nagulat siya kasi ningitian siya ng matamis ni Alia na hindi aakalain na makikitang ngumiti ito sa kanya kaya nakaramdam ulit ng kaba at hiya.)

Alia: Babye. Salamat po ulit. (Umalis na sila ni Elisa sa sasakyan at naiwang tulala lang na si Lorence.)

Kinabukasan, muling nagulat si Lorence habang nagpapahinga sa nakaparadang sasakyan nila nang may kumakatok sa pinto. Pinagbuksan ito at nalamang si Alia ang nasa labas ng sasakyan.

Alia: Hi! Pwede po bang makitambay? Maaga pa kasi at wala pa sila Elisa eh.

Lorence: Wala rin siya dito eh.

Alia: Ay ang sungit. Kaya nga nakikitambay ako eh. Ayaw mo ba?

Lorence: HIndi naman. Sige! Pasok ka.

Si Alia ang nagsilbing nag-umpisa nang kanilang mabuting pagkakaibigan. Napapadalas na rin ang pagtambay ni Alia sa kanilang sasakyan kahit hindi na si Elisa ang dahilan. Na siya namang kinatuwa ni Lorence kasi nagiging komportable na rin siya sa pakikipagkwentuhan ni Alia sa kanya. Bagkus ay nagiging masaya siya at hindi na siya nababagot sa pamamahinga kasi nandon ito lagi sa tabi niya.

Isang araw. Sa sasakyan ulit at pang-ilang araw na rin ni Alia ang pagtambay sa service nang magbiro si Lorence.

Lorence: Nagkaboyfriend ka na ba?(Nakadapa sa upuan habang si Alia ay nasa kabilang side.

Alia: Ha?

Lorence: Sabi ko. Nagkaboyfriend ka na ba?

Alia: Ahh. Hindi pa eh.

Lorence: Pwede ba akong mag-apply? (biglang itinakip ang mukha sa upuan dahil sa nahihiya siya sa sinabi niya na siyang kinabigla ni Alia.)

Alia: Ha? Ano? Ano daw?

Lorence: Pwede bang ako na lang boyfriend mo?

Alia: Ha? Seryoso ka?

Lorence: Oo.

Alia: Bakit?

Lorence: Anong bakit?

Alia: Bakit mo tinatanong sa akin yan?

Lorence: Kasi mahal na kita.

Alia: Ha?? Ambilis naman yata. At tsaka sure ka? Bakit?

Lorence: Gusto at mahal na kita kasi mabait ka sa akin. First time kong magkaroon ng kaibigang babae katulad mo. Na mabait. Na hindi maarte at may maganda kalooban. Tsaka magaan ang loob ko sayo.

Alia: Wow ah. Parang dun lang at gusto mo nang mag-apply na boyfriend ko. Ambilis naman. At gaya ng sinabi ko, Hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya imposibleng masasagot ko agad yang tanong mo.

Lorence: Bakit naman? Di mo ba ako gusto? (bahagyang nalungkot sa naramdaman)

Alia: Alam mo Lorence. Hindi na sana ako pumupunta dito mag-isa kung wala akong nararamdamang parang kakaiba para saiyo. Para akong naninibago pero alam kong wala namang masamang makipagkaibigan saiyo at nakita mo naman siguro na komportable akong kasama ka. Nasasabi ko na ren ang mga istorya ng buhay ko. Ibig sabihin non, parang may tiwala na ako saiyo. Mabilis ang pangyayari pero parang matagal na kitang kilala. Pero hayaan mong pag-isipan ko muna yang tanong mo. Hindi ko alam isasagot ko ngayon at ayokong may masaktan sa ating dalawa.

Mahabang paliwanag nito nang biglang gulatin sila ng ibang mga kaibigan ni Alia na sila Julia at Coleen at kinakatok na din sila sa may bintana at hinahanap siya dahil malapit nang mag umpisa ang morning class.

Julia: Hoy Alia. Andiyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap.

Coleen: Oo nga. Kahit si Elisa, nagtataka na lagi kang nawawala. Sino ba kausap mo dyan?

Alia: Ah si Lorence. Bagong kaibigan. Start na ba flag ceremony?

Julia: Oo. Five minutes nalang. Tara na.

Alia: Sige pala Lorence. Mamaya nalang ulit tayo mag-usap ha.

Lorence: Sige. Salamat sa pagtambay mo ah.

Alia: Oo.

Sana Ako Pa RInTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon