P6: Life After Several Heartaches

3 0 0
                                    

Matapos ang kanilang paghihiwalay ni Devina ay nagkasunod sunod na din ang pagkakaroon ni Lorence ng mga babae sa buhay nya pero lahat ay pawang mga hindi na niya sineseryoso dahil siya na mismo ang nanloloko sa mga ito. Merong napagsasabay nya sa pamamagitan lamang ng text. Meron namang tumatagal ng hanggang 3wiks to 2months pero lahat yun ay mga lokohan lang. Ayaw na niya kasi na siya ang niloloko. Natakot na siyang masaktan at nasusugatan na ng sobra ang puso niya. Kailan pa ba siya makakatagpo ng babaeng tapat sa kanya at hindi siya kakayaning saktan.

Year 2008, isang taong makalipas ang paghihiwalay nila ni Devina at kasalukuyang nag aapply ng trabaho sa ibang kumpanya nang may hindi sinasadyang pagkakataong makasalubong ang dating kasintahan na si Alia kasama ang ina nito. Hindi siyang napansin at halos magkabanggaan na sila pero di pa rin siya nakita nito.

Lorence: Hi Alia!

Pero tuloy tuloy lang ang paglalakad nito at hindi man lang siya nakita or natignan. Maaaring hindi na nga siya kilala. Muli ay nakaramdam ng panghihinayang sa naging madaling pagkakasama nila ni Alia noong highschool ito at malamang, may boyfriend na ito.

Lorence: Maaari di talaga kami para sa isa't-isa. Sa isang banda, umaasa akong magkikita ulit kami.

Hanggang sa makilala naman niya si Mabel, isang simpleng babae na nagtatrabaho as katulong ng kusinera sa isang karinderya. Habang siya ay nagtatrabaho na sa isang malaking palaisdaang kumpanya. Nakilala niya ito sa pamamagitan ng textmate at isang araw ay nagkasundong magkita.

Sa una ay hindi siya naniniwalang magiging seryoso ang kanilang relasyon pero unti-unti ay nahuhulog na ang loob niya kay Mabel, dahil bukod sa mabait at simple ay masarap itong magluto. Nasa ikalimang buwan na ang kanilang relasyon ng magsabi siyang gusto na niya itong makasama sa iisang bubong at ipapakilala ito sa kaniyang Nanay Linda.

Nung umpisa ay nag alangan ito dahil ayaw pa iwanan ang trabaho pero nangako siyang hindi ito pababayaan dahil nagtatrabaho naman siya bilang welder or laborer sa isang palaisdaang kumpanya na nagtatayo na ng sariling barko. Malaki ang sahod nya at kakasya naman sa kanilang dalawa.

Nang magsama na sila ay naging masaya naman ang kanilang unang dalawang buwan. Napapamahal na siya rito at feeling niya ay nagkakasundo ang Nanay niya at ito. Masipag sa bahay si Mabel at marunong mag alaga sa kanyang mga pamangkin na anak ng kaniyang bunsong kapatid na babae.

Mabel: Ako na po dyan Nanay Linda. Ako na po maghuhugas.

Nanay Linda: Hay salamat naman. Buti pa nga at ikaw na. Inaantok ako. Papatulugin ko na din itong si NJ. Ang kulit kulit.

Mabel: Sige po Nay. Maya maya po ay baka tumawag si Lorence. Stay-in po sila ngayon sa loob eh. Kaya tatabi na lang po ako sainyo ni Nj mamayang gabi. 

Nanay Linda: Osige. At ako'y napupuyat kakaalaga sa batang ito. Salamat.

Habang si Lorence ay busy sa trabahong stay in kaya nakakatyawan ng mga kaibigan sa trabaho na mag inum sila.

Katrabaho 1: Pre! (Tawag kay Lorence) May ipapatext ako sayo. Maganda toh. Chikababes.

Lorence: May asawa na ako eh.

Katrabaho 2: Hindi naman niya malalaman eh. Ako nga 2 katextmate ko eh. Di pa alam ng misis ko. Nakakabored kaya dito. Kaya paminsan minsan. Jamming jamming din.

Katrabaho 1: Oo nga. Tayo tayo lang naman eh. Nasa sayo naman kung hanggang textmate lang kayo o hindi. Pag lumampas kayo ron, labas na ako don. Dali na. Pangalan niya Nemia. Taga Sorsogon pero dayo dito sa atin. Nakatira yan sa boarding house ng pinsan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Ako Pa RInTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon