Chapter 1: Public Display of Affection at a Public Utility Vehicle

31 0 0
                                    


Dikit-dikit na mga nakahintong sasakyan. Mabagal na pag-usad ng mga sasakyan na tila talo pa ng pagong kung ipagkukumpara. Di mabilang na stoplight at intersection. Iba't-ibang uri ng sasakyan. May pampribado at pampubliko. May kotse at trak. Mayroon ding mga jeep at bus. May iba't-ibang uri rin ng tao na nakasakay. May mga empleyado, mga estudyante, PUV driver, truck driver at iba pa. May mahirap, mayaman at middle class. May mga lalaki, babae, bakla, tomboy, transgender, bi-sexual, bata at matanda. Mayroon ding kanya-kanyang destinasyon na patutunguhan. Ngunit di pa magawang marating dahil sa kasalukuyang usad ng kani-kaniyang sasakyan.

Gabi na at kasalukuyang ganito ang eksena sa kahit saang parte ng Maynila. Walang katapusang traffic. Nabansagan na nga ng mga katagang "May forever" dahil hindi malutas-lutas ng mga kinauukulan. Nakaka-imbyernang tunay.

Pero alam mo ang mas nakakainis? Yung mag-syotang kasalukuyang naglalampungan sa harapan ko. Kanina pa sila ganyan, nagkukwentuhan, nag-aasaran, nagtatawanan, nagyayakapan at paminsan-minsan ay naghahalikan. Pero hindi mahalay yung halikan na part ha, yung tipong sa pisngi lang o sa ulo ng babae. Kung sila ang bida ng isang pelikula o kwento, tiyak magtititili na ako sa kilig. Kaso nasa real life sila kaya naiirita ako. Pinapaalala lang nila sa akin ang estado ng lovelife ko.

Nakaupo ako sa pangalawang upuan mula sa driver dito sa fx na sinasakyan ko. At isang di kanais-nais na tanawin ang aking nasasaksihan. Malamang, BITTER ang lola mo eh. Kakastress. No Boyfriend Since Birth na nga, paulit-ulit pang hopia sa iisang tao. Minsan nga natatanong ko ang sarili ko, pinagpala ba ko? Pinagpala na mapagkaitan ng isang masayang lovestory? Isang sitwasyon kung saan mahal ako ng mahal ko at mayroong masayang pagsasama. Yung tipong may lalaki na interesado sa bawat kaganapan sa buhay ko at gusto akong makasama nang pangmatagalan. Ang sakit naman kung totoo ang hinala ko.

Isa sa mga dahilan kung bakit di ko iniisip ang buhay pag-ibig ay ang pagiging madrama ng mga iniisip ko. Tulad na lang nung naunang paragraph, makikita mong puno ako ng hinanakit sa topic na ito. Kinakaawaan ko lang ang sarili ko, in which ay hindi maganda kung madalas itong nangyayari.

At dahil dun sa mag-syota, nagbalik na naman sakin ang nakaraan.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon