A/N : Dahil lahat ng hugot, may kuwento sa likod.
One last time.
Iyana ng sabi ni Melanie sa sarili habang hinahalo ang sundae niyang kanina pa tunaw. Tinignan niya ulit ang relo niya. 3: 30 pm. Kanina pang alas dose ang usapan nila.
Tinignan niya ulit ang cellphone niya, hoping na may text o tawag man lang si Carlo sa kanya pero na disappoint lang siya nung makita niyang wala.
Paulit ulit na lang ang ganitong set up.Maghihintay siya saw ala. Kinabukasan magso sorry si Carlo at tatanggapin niya naman. Iyon na siguro ang prime example ng history repeats itself.
Tanga. Iyan sigguro ang tawag ng iba sa kanya ngayon. Pero mahal niya eh. Pero sa totoo lang, pagod na pagod na siya. Tinignan niya ulit ang cellphone.
Not again.
"I can't. Sorry."
Text sa kanya ni Carlo. Shit ka, Carlo. Sinaktan mon a naman ako. Dali dali siyang lumabas ng fast food chain na may tumutulong luha.
Naalala niya pa yung mga dates, monthsarries at anniversary na hindi sinipot ni Carlo. Lagi na lang 'I can't. Sorry'. At puro 'Babawi ako next time. Promise' Buti pa dati nung sinabi niya na "Liligawan kita, joke." Minsan talga mas totoo pa yung jokes kesa promises.
Bumuntong hininga siya. Pagod na ang katawan, isipan at puso niya.
The next day, nag text ito sa kanya. 'Let's date. Same time. Same place.' And same broken promises. That, she tried so hard not to send to him.
Habang palakad sa hallway, nakita niya si Jaemie, yung best friend ng kaklase niyang si Ran. Kausap si Carlo.
"Kailan mo ba kasi siya hihiwalayan? Alam mo namang nasasaktan na ako diba?!" Pasigaw na sabi ni Jae habang umiiyak at dinuduro si Carlo.
"Baby, bukas na sa date namin. Just wait, ok? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Sabi pa ni Carlo habang pinatatahan si Jae.
Sa puntong iyon, gusto na niyang sugurin si Carlo. Gusto na niyang samplain si Jae at sabihan na manloloko sila pareho. Pero hindi, nakatayo lang siya dun at naninigas.
"Meow."
'Ay, pusa !'
Napasigaw siya nang di oras dahil sa pusang gumulat sa kanya. Nanlaki ang mata niya at agad na tumakbo bago pa man makalingon si Jae at Carlo.
Tanga.
Iyana ng tawag sa kanya ni Abery habang nagsusuklay siya. Nag re ready siya para sa date nila ni Carlo. Pero hindi kasi siya napapagod. Dahil hindi lang pagod, suko na siya.
Nang makarating siya, nandun na si Carlo. Gusto niyang mapangiti dahil sa himalang nangyari. Pero tinago niya iyon.
"Hi, Babe."
Bati sa kanya ni Carlo at niaykap siya. Ngumiti na lang siya pabalik. Katahimikan ang bumalot sa kanila... o sa kanya lang dahil kwento nang kwento si Carlo pero hindi siya nakikinig. Hanggang sa hindi na niya kaya.
"Let's end this. Let's break up."
"Bakit?"
Hindi niya ito sinagot. Bagkus, inayos na niya ang mga gamit niya at naghanda nang umalis. Pero pinigilan siya ni Carlo.
"Anong problema?" Tinignan niya si Carlo. Ang lalaking minahal niya, nanligaw sa kanya at nag pasaya sa kanya. Siguradong mami miss niya ito. Pero ayaw na niya. Sukong suko na siya. Ngayon, issa na alng ang gusto niyang sabihin sa lalaki. Isa na lang dahil ubos na ubos na siya.
"Pagod na akong mahalin ka. Kase kapag nag e effort ako nagmumukha lang akong tanga."