ONE AND ONLY

2 0 0
                                    

"Class dismissed..."

Agad na nagsilabasan ng room ang mga kaklase ko pagkarinig sa sinabi ng instructor. Hayy...

"Yes!"

"Let's go Lei."

"Tol tara na."

"Sabay na tayo Gwyneth."

"Mga pre, libre ko!"

"Whooo! Grabe ang tagal din non."

"I'm hungry na, leggo girls."

At marami pang iba. Akala ko ok lang na maging loner nung umpisa, pero hindi rin pala. Halos silang lahat may kanya kanya ng naging kaibigan samantalang ako wala kahit isa. Dalawang linggo na rin simula nung pasukan, by the way I'm a grade 11 student sa isang private school...

Hayy buhay... makalabas na nga lang. Pumunta ako sa canteen para sana bumili ng pagkain kaya lang wag na pala, grabe eh ang daming bumibili tapos siksikan pa...

Makapunta na nga lang sa park, oo may park 'tong school na 'to kaya lang para lang talaga sa mga elem.students...

Umupo ako sa isa sa mga swing at pumikit. Ang sarap sa pakiramdam ng katahimikan at ang malamig na simoy na hangin na dumarampi sa balat ko...

"Kanina ka pa?"

Napadilat ako ng marinig ang boses na 'yon at nakita ko sya na nakatayo sa harapan ko...

"Hindi naman Georgia..."

Napangiti sya kaya napangiti na rin ako. Umupo sya sa katabi kong swing...

Oo wala akong kaibigan sa mga kaklase ko pero may isang Georgia na handang maging isang tunay na kaibigan para sa'kin...

"Kumusta?" I just sighed, alam ko na kasi kung anong tinutukoy nya...

"Ito, wala pa ring kaibigan bukod sa'yo..."

Natawa sya sa sinabi ko at pinisil ang magkabilang pisngi ko...

"Ang cute mo talaga Cleo, pero ok lang yan. Nandito naman ako para sa'yo, I'm your one and only true friend..."

Napangiti ako, ang bait talaga ni Georgia kahit kailan, para ko na syang ate. Actually, last week ko pa lang sya nakilala pero ang gaan na agad ng loob ko sa kanya...

Mabait sya at mukha ring matalino, matangkad at maputi, mala anghel pa ang facial features... in short complete package.

Narealized ko na tinititigan ko na pala sya ng magsalita sya...

"Ganda ko noh? Maliit na bagay hahaha!"

Nalungkot ako sa pagtawa nyang 'yon hindi dahil totoo ang sinasabi nya, hindi dahil kinocompare ko ang sarili ko sa kanya, kung hindi dahil, sa likod ng pagtawa nyang 'yon, sa likod ng masaya nyang mukha ay nakakubli ang isang babaeng punong puno ng kalungkutan, galit, hinanakit at higit sa lahat panghihinayang...

"Georgia, gusto mo na bang pag usapan?"

Natigil sya sa pagtawa at biglang nagseryoso...

Alam kong alam nya kung anong ibig kong sabihin.

Tinitigan ko lang sya ng diretso sa mata at dahil dito kusa ng tumulo ang mga luhang pinipigilan nya kanina lang...

"Oo C-cleo, h-handa na kong p-pag usapan ang
t-tungkol sa...
























































p-pagkamatay k-ko..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RENAISSANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon