Dylan's POV
"Ang gwapo naman ni Kuya shet"
" Girl yung panty ko nalaglag na ata"
"Sana akin nalang sya"
"Girl lalapitan nya na ko"
"Sakin kaya sya papunta"
Oh well sanay na naman ako sa ganyan. Di ko nga alam kung bakit ba ang gwapo ko eh. Sobra sobra na. Hays.Di ako mayabang ah. Sadyang nagsasabi lang ako ng totoo. Btw My name is Dylan Raphael (Rafael) Saavedra. 17 years of age. Kakalipat ko lang sa school ng tropa ko na kick out kase ako sa school ko na pinapasukan dati. Kaya wala akong choice kundi dito nalang mag aral dahil family naman ng kaibigan ko ang may ari ng school na to. Pero ayos na din kase dito nagaaral yung dalawang mokong na yun eh. Atleast magkakasama na rin kami. Hahahaha.
Papunta ko ngayon sa mini office na tambayan naming tatlong magkakaibigan dito sa school. Kahit naman kasi bago ako dito sa school na to eh lagi narin ako pumupunta dito para tumambay. Kaya di na ko masyadong naninibago pa.
Pagbukas ko ng pinto di nga ako nagkamali dahil andito nga yung dalawang mokong at may mga kasama pang mga babae. Hays. Di na talaga nagbago tong dalawang to. Buti pa ko gwapo lang. *wink*
"Oy Raf andito kana pala"
Sabi ni Joaquin nung makita nya ko. Sya nga pala yung sinasabi ko na may ari ng school na to.
"Tagal mo naman Raf kanina ka pa namin inaantay eh" -Nathan
Simula palang mga bata kami magkakasama na kaming tatlo. Magkakaibigan din kasi mga Parents namin kaya siguro namana na namin.
"Mga ungas talaga kayo mauuna na nga ko may klase pa ko first day na first day ayoko ma late"
Umalis na ko sa kwarto na yun pag tapos ko makipag hand shake sakanila. Pupunta na ko ng room ko kase malapit na mag start ang klase ko. Habang naglalakad ako di ko maipagkakaila na andaming tumitingin tingin sakin. Hays. Ganito ba talaga kapag gwapo? Tsk.
Nang makarating ako sa room ko agad ko nilibot ang paningin ko. Shit naman wala ng bakanteng upuan san kaya ako uupo neto.
Naglakad nalang ako papasok dahil may nakita ako na bakante sa dulo malapit sa bintana. Pinakalikod naman yun kaya ayos lang. Gusto ko kasi talagang pwesto ang likod na bandang bintana. Bakit ganon? Ganito ba talaga mga students dito? Parang wala pa ko nakitang walang naka make-up ngayong araw na babae ah. Sabagay di ko sila masisisi kung magpapaganda sila para sakin. Tsk.
Pag dating ko sa upuan nakita ko na may bag na color pink na nakalagay dun. Dahil wala naman yung may ari agad na kong umupo sa upuan na yun pag tapos ko ilapag yung bag sa sahig,
Dahil wala pa naman yung naka assign samin na teacher nagsaksak muna ko ng earphones sa tenga ko. Ayoko naman makinig sa mga walang kwentang chismisan dito. Pinikit ko nalang yung mga mata ko para mas ma relax ako.
Maya maya napansin ko na parang may tumatapik sa balikat ko. Nang idilat ko yung mga mata ko nagulat ako dahil may babae na nakatayo sa harap ko. Sanay na naman ako sa ganito kase yung iba mag papapicture o kaya magbibigay ng mga regalo. Tinanggal ko yung earphones ko at hinarap yung babae na nakatayo sa harap ko. Tumayo na rin ako para di mukhang bastos.
BINABASA MO ANG
Opposites Really Do Attract
Teen FictionDo opposites really attract? What if para kayong aso at pusa? O kaya naman Apoy at Tubig? Pwede ring Mainit o malamig? O sa madaling salita magkaiba lang talaga kayo. Yung tipong pag pinagsama kayo war ang kalalabasan. Pero Paano kung sa isang igl...