Chapter 1

23.6K 319 46
                                    

                                       PAST EIGHT-THIRTY NA NG UMAGA. Ngunit imbes na kanina pa nasa opisina at naghahanda ng kape para sa masungit niyang among kaanak ni Hitler, nakapamaluktot pa rin sa gitna ng kanyang kama si Menchie.

"Menchie? Menchie, hindi ka ba papasok? Aba'y mag-a-alas nueve na!" pasigaw na tawag sa kanya ng landlady niyang si Aling Amor.

Sinundan pa nito iyon ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng apartment niya. Dahil madalas ay nagkukwentuhan pa muna sila nito sa umaga habang nagwawalis ito ng bakuran nito at siya naman ay nagkakape, tiyak nagtaka na ito kung bakit hindi pa siya lumalabas ng bahay niya.

Napabalikwas siya ng bangon. Prantikong sinulyapan ang cellphone niyang hindi nag-alarm.

"Patay kang Menchie ka!" bulalas niya.

Saka tarantang hinablot niya mula sa sabitang pako sa

likod ng pinto ng silid niya ang twalya niya. Patakbong

tinungo niya ang banyo. Ang karaniwang sampung hakbang patungo doon mula sa silid niya ay naging tatlo lang sa pagmamadali niya.

Naghilamos siya ng mukha. Dahil sa pagmamadali, napasukan pa tuloy ng facial wash ang mga mata niya.

"Aray ko pu!" daing niya na agad inilublob ang mukha sa drum ng tubig.

Karaniwan ay tumatagal ng three minutes ang pagtu-toothbrush niya. Pero ngayon, thirty seconds lang tapos na siya. Ligong sisiw ang ginawa niya. Two minutes lang tapos na.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad na siyang nagbihis ng navy blue na uniporme niya. Dinampot niya sa ibabaw ng tokador ang bag niya saka patakbong lumabas ng bahay.

"Hi, Aling Amor. Bye, Aling Amor!" bati at paalam niya sa kasera niya saka hindi alintana ang suot niyang pencil-cut na palda na kumaripas siya ng takbo papalabas ng subdivision nila.

"Menchie!" dinig niyang tawag sa kanya ni Aling Amor. Pero wala na siyang oras para lingunin ito kaya kumaway na lang siya dito.

Saktong paglabas niya ng gate ng subdivision nila ay may papaalis nang jeep sa kanto.

"Paraaa!!! Mama, itigil ninyo! Sasakay ako!"

"Miss, wala nang bakante!" sigaw naman ng driver.

"Sasabit ako!"

Dahil mas mabuti nang mawala ang poise niya at

manganib ang buhay niya sa pagsabit sa jeep kaysa maani niya ang nakakasindak, nakakagimbal at makawasak mundong galit ng boss niya.

Pagdating niya sa eighteen storey high na Aseron Tower na kinaroroonan ng opisina ng Circe Cosmetics Company ay lakad-takbo ang ginawa niya para maabutan ang papasara na sanang pinto ng elevator.

Nakaligtaan na niyang batiin ang matandang gwardya na madalas ay kahuntahan niya kapag maaga siyang pumapasok. Madalas niyang kabiruan si Mang Selmo dahil naalala niya ang daldalero din niyang Lolo Marcelo dito.

Pero bago sumara nang tuluyan ang elevator ay kinawayan niya ito nang makita niyang nakasunod sa kanya ang nanlalaki nitong mga mata.

"Bakit kaya parang gulat na gulat si Mang Selmo?" wala sa loob na napalakas ang pag-uusisa niya sa sarili.

Ang totoo, kanina pa niya napapansin ang ekspresyong iyon sa mga nakakasalubong niya. Hindi na nga lang niya masyadong nabigyang-pansin dahil sa pagmamadali niya.

Ni hindi niya naisip na sulyapan man lang ang nag-iisang kasabay niya sa elevator. Kaya naman nang magsalita ito ay ganoon na lamang ang panggigilalas niya.

Aseron Weddings-Anywhere For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon