5:45pm
Psycho Phone
09123456789: Hi Ellis, iniwan ko nalang sa guard yung payong na hiniram ko sayo. Salamat pala dun, nakauwi ako ng hinde nababasa ng ulan.
• Sino to?
• Pano mo nalaman pangalan ko? Ano pinag sasabi mo? Hinde ako nag dadala ng payong kaya wala kang maloloko dito!
09123456789: Wala? Basta pagkaka alala ko binigay ko kay manong guard yung payong mo. Kunin mo nalang bukas.
• Sino kaba talaga? Sira ba utak mo? Di kita kilala tigilan mo ako.
09123456789: Easy lang Ellis. Basta ako kilala kita. Masaklap nga lang hinde mo ako kilala masyado ka kasing sikat sa school 'natin' e. Tsk tsk.
• School pala natin ah? Pag nakita kita, tatanggalan kita ng gilagid uubusin ko rin yang buhok mo sa ilong! Tigilan mo na ko!
09123156789: Paano kung sabihin kong ayoko, ano gagawin mo?
• Papa-tanod kita o kaya Papa-pulis pero mas better ata kung ipaisis nalang kita para walang kawala ano? Palag?
09123456789: Awee ang sweet mo talaga Ellis kinikilig ako.
• Paano mo ba ako nakilala? Ha? Saan mo nakuha phone number ko?
09123456789: Hinulaan ko lang, hinde ko naman inaasahan na Ellis pala pangalan ng may ari ng phone number nato. Bilib kana ba? Galing ko no?
• Try mong magpatingin sa mental hospital baka may nawawalang turnilyo diyan sa utak mo.
09123456789: Di ko kelangan mag pacheck up ng utak ko, kase ang kailangan ko ay maggagamot ng puso kong patay na patay sayo myloves. Yihiee kinilig naman sya oh.
• Lalaki ka ganon? Sapakan nalang.
09123456789: Alangan naman babae magka gusto sayo, tibo kaba Ellis?
• Tigil tigilan mo na nga akong Chonggo ka. Di kita kilala!!!
09123456789: Hinde Chonggo pangalan ko, magpapakilala ako sayo para alam mo. Ako si Psycho okay na? okay na?
• Wala akong paki-alam kung si Batman ka pa hah!.
09123456789: Awww wala siyang pake sakin so sad naman. Ikaw ang daya mo di kapa nagpapakilala yung formal na pagpapakilala.
• Bakit mo pa tatanungin kong alam mo na. Tanga lang? Ang pagiging tanga sa pag-ibig lang yun hinde na dapat pa dinadala sa WRONG TEXT!
09123456789: Aray natanga pa ako.
• Ewan ko sayo mukha kang ewan! Wag kanang mag text dito.
09123156789: Diba sabi ko sayo di kita titigilan.
• Edi shing, wala na akong pake.
BINABASA MO ANG
Wrong Text
FanfictionKung ikaw ba makatanggap ng text galing sa unknown number rereplyan mo ba? Si Psycho na hilig ang manghingi at mag random number ay makikilala si napakaswerteng si 09123456789 (masungit, maangas, madaldal) na makakatext este mapag-titripan ni lalak...