He was with her today. Nakakalungkot isipin kasi dati ako yun. Ako yung kasama niya. Athazagoraphobia strikes;a fear of being forgotten. Ang sakit. Nasa stage ako ng pag iisip na, dapat pala, di nalang ako umamin. Dapat pala, hindi ko nalang hinayaan ang sarili ko na mahulog. Kasi nga, lahat ng nahuhulog, nababagsak. Yung iba, sinasalo. Yung iba, sinasalo parin. Ng lupa. Ang saya, hindi ba? Pero wala kasi tayo sa Wattpad na pwedeng baguhin ng author ang kwento ayon sa gusto niya. Kasi tayo, nasa real life; walang undo, walang cancel.
Andito ako ngayon sa bench. Kasama ko ang iilang mga myembro ng choir na mga kaklase ko. At eto namang dalawa, ay editor ng mga isinusulat ko. Ang galing ko daw gumawa ng kwento. Pero una sa lahat at nag iisang dahilan kung bakit sa tingin nila'y "INTERESTING" ito, ay dahil nangyari ito sa tunay na buhay. Sa katunayan, hindi lahat ng nararanasan sa isang istorya, ay passive. Sakin kasi, damang-dama ko. Totoo ang lahat. Simula sa pagtaas ng middle finger para ipakita sa kanya, hanggang sa pagsabi ko ng "I don't hate you and I'm thankful that I didn't say that I love you."
People are coming to listen to me and I guess, I should continue to share it. It may not be that good, may not end up happily, but it is a story that has to be told. A story that people should know. People should judge and critique.
And it started on December 9, 2015, a nice weathered day with a fucking hectic schedule. Matindi ang story ng araw na 'yan dahil ang sabi samin, Holiday dito sa amin. Eh, ito namang MAPEH teacher namin, wagas. Papasukin ba naman kami para lang dun?
Yung araw na iyan, plano naming gumawa ng proyekto sa Filipino na kung saan ay gagawa kami ng isang dokyumentaryo o di kaya'y balita sa nais naming paksa. Oha. Pakak. Tagalog na tagalog.
"Oh sino pa 'bang hinihintay?"
"Antagal naman ni Lara!"
"eh di ba nga kase, dala niya yung camera?"
"Kay Tim man kasi yung camera!"
"'huta! Kung sino pa yung may mga camera, sila pa yung late. Imbyerna ha!"
Mga usapan naming ng mga ka grupo ko. Mabuti sana kasi kung RICHKID nalang ako at kung anong gusto ko, mabibili agad. Kaso nga, wala tayo sa Wattpad.
Usapan kasi naming, 9:00 kami mmag kikita-kita sa Waiting Shed ng school namin. Kaso, dumating sila, 10:00, at malamang-lamang, sasabihin nila, FILIPINO TIME. Luls.
"Oh, bakit late ka, Lara?" sabi ko sa kanya.
"Oh e, ikaw kaya mag maka-awa manghiram ng camera tapos I charge mo pa? Kaloka. Tapos tignan mo naman 'tong katawan ko. Ampayat-payat ko na nga, padalahin niyo pa ako ng pagkarami-rami? May dala kang tripod?" Sagot naman niya.
Shet lang ha. Tindi rin.I shut up since di naman ako yung leader ng project na ito, at wala rin naman akong dalang kamera na importante para dito.
Wala parin si Tim at feeling ko, ma a out of place ako dito.
"Oh tara na. Sabihan niyo nalang si Tim na dumiretso na sa Baker's Hill." Sabi ni Lara, ang group leader.
Nalulungkot ako. Nakita ko kasi si Ruel kanina. He looks so happy like nothing happened between us.
We walked and I was still thinking of him.
Then he appeared. Tim is here. I run towards him and told him, "hoy 'tay, Gago ka! Sinong nagsabi sayong magpa late ka? Boshet na 'to! Pakaba ka!" He was wearing a Dark Blue Polo shirt, checkered shorts, and his Gray Vans.
He's so perfect and I was wondering why Ylana chose Kurt over him. He is so unfortunate. But still, he has the looks that every girl can drool. May kilala nga akong taga ibang section na crush na crush siya e. Do you get my point? Pero tatay ko siya. It's impossible.
"So, paano natin gagawin ang project?" tanong ni Lara.
"Uhm, pwede ba yung style MagTV? Halimbawa, galing tayo sa place na ito, tapos may jeep tayong sasakyan, tapos lahat ng ulo natin, nandun, tapos yung I show palang natin everytime na mag ta travel tayo, parang map tapos may point point lang na hihintuan natin.." I suggested.
"Oo. Maganda yung suggestion niya." Sabi ni Tim.
"Pero complicated kasi yun. " sabi ni Lara. Kaya ang nangyari parin, ay ang gusto niya. Well, It's okay, hindi naman ako yung mag e edit. Dadaldal lang naman ako, at mag papakapal ng mukha mga para mag interview ng mga taong hihingan naming ng opinyon sa Baker's Hill.
While we were still talking about how we are going to do our project, He passed by. I waited for seconds and look at his direction. He's also looking at us and hoping that he's hurt seeing me, with Tim.
"HOY CHESKA! BAKIT KANINA KA PA LAPTOP NANG LAPTOP DIYAN? TIGIL NA RIN!"
Present time. I'm looking at him right now. He's rehearsing with my other schoolmates inside our room, and I'm just here with some friends, telling a story about us. Ang saya ano?
Mukha siyang tanga sumayaw. Mahangin siya. He has some nice jaw lines, and still looking sexy at a side view. Ang unfair ng world. Napag utangan kasi kami ng kagandahan nung panahong taghirap nun. Kaya ayun. Lugmok kami dun. And back to the topic, He's enjoying what he's doing right now, and all I can do is to stare at him, hold hands with the keyboard, realizing that he's happy. Without me.
End of chapter 1.
BINABASA MO ANG
Story of Us
Teen FictionMemories. They aren't that nice. You know why? Because it may hurt us too. May make us feel the pain we used to feel. But are you ready to go back? are you willing to sacrifice just to feel that again? Feel that pain again? Mababasa mo kaya ito? Mar...