"Hindi mo ba ako tatantanan! Mahiya ka naman sa sarili mo Natalia!" sabi niya sakin habang nakatingin sa hawak niyang alak. Napailing na lang din ang kanyang mga kaibigan habang nakatingin sakin ng puno ng inis at awa.
"Hindi ko naman talaga kayo sinund-," pinutol niya ang sasabihin ko ng bigla siyang ng salita, "Nagkataon lang to ganun?" Tatango na sana ako ng bigla niyang inihagis ang kanyang baso na siyang nagpapitlag sakin. "Huwag mo kaming gawing tanga Natalie, alam namin ang laro mo! Magpapakal damsel in distress ka para may makapansin sayo! Para mapansin kita! Alam mong nandito ako diba kaya ka nagpunta kaya ka nagsusuot ng damit na ganyan," sabi niya sabay pasada ng tingin sakin, "Sabihin mo magkano ang binayad mo sa lalaking nanghipo sayo? Ganon kana ba kadesperadang mapansin kita ha? Ganon kana ba kadesperadang magpapansin? ...
Pagod na ako. Pagod na akong parating naghahabol.
xx
BINABASA MO ANG
The Man She Chased
Teen FictionHe was never mine but losing him broke my soul- Natalie Caddison