Sayang na sayang talaga,
Kahapon natin tila'y napakaligaya.
Taon ng pag-iibigay kita ang diwa,
Mga sandaling kita'y masaya.
Pag-ibig ko na ka'y sapat,
Ibinigay ito sayo lahat lahat.
Pag-ibig mo sana'y sapat,
Ibinagay mo rin sa akin ang karapa't dapat.
Nang maitatanaw ko ang ating kahapon,
Napakasaya pala ng ating panahon.
Sa mga sandaling iyon,
Isa na lang itong imahinasyon.
Puso kung iyong sinugatan,
Iniwan mo akong luhaan.
Pala isipan nga ng karamihan,
Nabibilang ka sa mga TWO TIMER na kababaihan.
Lumayo ako upang kalimutan ka,
Upang humanap ng iba.
Pero,
Ano ba itong nararamdaman ko,
Pangalan mo ang laging sambit ng bibig ko.
Tadhana ba ang nagtulak na balikan ka.?
O isang emosyon na dala na rin sa aking pagkatanga.