Annica Pov's
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin,nakikita ko ngayon ang malungokot,malamig,at masamang babae sa harap ko
Napabuntong hininga ako ng malamim,hindi naman ako ganito dati eh!tinignan ko ulit ang salamin inayos ko ang buhok ko at sinuklayan ito ng maayos
Bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa kusina naka salubong ko doon si manang lita,mahigit sampung taon na itong katulong sa aming bahay kaya close kami
"Magandang umaga sayo iha"
"Magandang umaga din manang,ako na po ang gagawa ng gatas ni mom at kape ni dad " tumango naman ito nagsimula na akong mag timpla ng gatas at kape ni dad nilagay ko iyon sa tray,maingat akong umakyat sa taas at pumasok sa loob ng kwarto nila
Hinay-hinay kong nilapag ang tray sa side table nila,tinignan ko silang dalawa magkayap na natutulog,lumabas na ako sa kwarto baka mahuli nila ako
"Manang handa na po ba breakfast?"
"Saglit nalang to iha" tinulungan ko naman siya sa paghahanda ng almusal,nakarinig kami ng yapak ng paa papunta dito
"Manang paki kuha nalang ng baso at tasa sa taas ng kwarto!" Sabi ni mom at umupo sa upuan
"Masarap ang pagkakatimpla mo sa gatas at kape manang,nagiging paborito na yata namin to" nagkatinginan kami ni manang pilit kong sinasabi sa kanya na wag umamin gamit ang mata ko
Nakuha naman ni manag ang minsahe ko,masaya ako dahil naging paborito na nila ang pagtimpla ko ng gatas at kape pero may sakit rin na kakambal ang sakit nayon ay di nila alam na ako ang gumawa dahil alam kong di nila ako pupuriin kahit kailan
"Kain na tayo mom,dad" pilit akong ngumiti sa kanila pero di nila ako pinansin parang kong may anong tumusok sa puso ko
Kahit nawawalan na ako ng gana pilit ko parin ipakita sa kanila na masaya ako at matapang sa kanilang paningin
"Mom,dad alis na po ako" hahalikan ko na sana si mom sa pisngi ng bigla siyang tumayo at umalis nagmano naman ako kay dad bago umalis at pumunta sa school
"Andito na po tayo ma'am"
"Salamat manong" napabuntong hininga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan,iniba ko ang aura ko ginawa kong matapang
Pagkalabas ko umalis narin si manong,papasok na sana ako sa gate ng marinig ko ang sigaw ng kaibigan ko
"Nicaaaa!"tinignan ko siya ng masama nong nakalapit na siya sa akin " taray!ang tapang ng aura mo bruha huh?"inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng school
"Alam mo bang papasok na ang dark 5 mamaya,excited na ako bruha" kinikilig na sabi niya,binaliwala ko nalang wala ako sa mood para tarayan siya
"Bakit ganyan ang mukha mo bruha,nakakaloka na yata yan!nako kong ako nasa posesyon mo pinagalitan ko nayang mga magulang mo..tignan mo oh!sobrang lungkot mo halata sa mukha" agad ko siyang tinignan
"Halata ba?" Mahinang sabi ko tumango siya agad akong umiwas,ayaw ko talaga na nakikita nila akong mahina.dahil hindi bagay sa akin
"Aba ang bilis mong magpalit ng emosyon mo bruha,kanina ang lungkot ngayon malamig!grabe ikaw na ang magaling magtago" inorapan ko nalang siya at pumasok na kami sa room namin
BINABASA MO ANG
When A Badgirl Fall Inlove
FanfictionKilala siya bilang isang masamang babae sa school kinakatakutan ng lahat walang inaatrasan na laban mapa lalaki man o babae. Pero sa likod ng katapangan niya at sama isa siyang biktima ng pangungulila ng pagmamahal na pilit niyang kinakalimutan...