Typical simple girl? Yea, very typical lang ang buhay ko at simple. I'm not rich but I eat three times a day, kaya medyo chubby ako dahil wala akong pinapalampas na oras ng pagkain. Maganda? I don't know. Sabi nila, maganda ako pero I doubt. Wae? Simple lang at tulad din ng dahilan ng iba; Why he can't even look at me if I'm petty enough? Di naman natin mapagkakaila na sa panahon ngayon mukha muna ang titignan bago ang ugali, right? Well, I know it's true.
Ok na rin sana ang buhay ko kung di lang tumitibok itong puso sa isang tao na kahit minsan di ako napansin. Halos kilala at alam ko na ang buong buhay nya pero sya.. nga nga sakin.
By the way, I'm 18 yrs old at may course na fashion designing. Hilig ko rin ang explore sa lugar na alam kong medyo may pagka-mysteryo. Sabi ni mama noong pinagbubuntis daw kasi nya ako, lagi daw syang naliligaw dahil gala sya pero walang syang sense of direction. Muntik na nga daw mawala si mama buti na lang natagpuan sya ni papa. Pasaway.. hihihi
Ok, back to my love life.
Hindi ko alam exactly kung pano ko sya nagustuhan. Alam ko lang noon di ko pa sya kilala dahil ang kilala ko ay ang kapatid nyang playboy, yun kasi ang sikat. Pero simula nung nagkaroon kami ng recitation about sa kung ano ang gusto naming alagaan, ang naalala ko lang, isa lang ang gusto namin...
Butterfly.
The same na naramdaman ko sa tyan ko ng mga oras na tumingin sya sakin at ngumiti. Parang akong kinilig na ewan. Simula nun lagi ko na yung nararamdaman kasabay ng pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko sya.
Sabi nga sakin ng mga kaibigan ko para daw akong baliw. Pero baliw na kung baliw. Kasalanan ko bang maramdaman yun.
Minsan naisip ko, siya kaya? Nararamdaman din ba nya yun sakin? Kaya ba parehas kami ng sagot? Natawa na lang ako sa tanong ko sa sarili ko. Malamang naman hindi diba? Sino ba naman ako? Monterial siya, eh ako? wala pa sa kalingkingan ng apelyido nya. Mayaman sya, mahirap ako.
Pero sa kabila ng lahat..
I feel it, the Butterfly
By: Yenly Zian Gomez
BINABASA MO ANG
Butterfly (one shot)
Chick-Lit"Can BUTTERFLY help me to have a perfect love story?"