Thousand Tears

9 2 0
                                    

(Related sa Chess Pieces)

Leonaji.

Leonaji.

Leonaji.

Sana masaya ka na diyan. Kasi dito, mahirap. Sobrang hirap kasi...

wala ka na.

✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔

Isang taon na ang nakaraan ng mamatay si Leonaji dahil pinatay siya. 'Di ko maisip na mangyayari sa kanya 'to. Wala siyang kasalanan. Pero nangyari na ang mga nangyari. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Kailangang tanggapin sa bawat paggising ko na wala na siya, na kalimutan siya, na sobrang hirap gawin.

Nandito ako ngayon sa eskwelahan kung saan namatay siya. Sa Celestine Academy, sa bawat paghakbang ko ay bumabalik lahat sa alaala ko ang bawat sakit, hapdi, at hirap na pinagdaanan namin. Lalo na yung mga inosenteng tulad nila.

Abandonned na ang eskwelahang ito dahil sa mga nangyari. May narinig akong kaluskos na nanggaling sa kung saan.

"May tao ba diyan?!" Medyo madilim na sa paligid , tanging ang ilaw sa cellphone ko na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan ko.

May naririnig akong kung anong bagay na bakal na hinihila niya! Sh*t!

"Hi Reissah." S-sino 'to?!

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? B-bakit kamukha mo si Leonaji?!" Bulalas ko.

"Kamukha ko ba siya? Hmm... Maraming nagsasabi na magkamukha nga kami, pero 'di hamak na mas pogi naman ako kesa sa kanya diba?" Oo, aaminin ko, mas pogi nga siya. Pero duhh~ , mahal ko po si Leonaji.

"F*ck you." Sabi ko at tumawa siya, nagsimula na ang maglakad at umalis sa kinalalagyan niya pero sinusundan niya ako. Huminto ako, huminto rin siya. Lumakad ulit ako, lumakad ulit siya. Ano ba?!

"Ano ba?! Hindi mo ba ako lulubayan ha!" Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin sa mukha niya.

"No, hinding-hindi Reissah." UGGHH!!! MABABALIW NA AKO.

"Ano ba kasing pakay mo ha?! Ang yabang-yabang mo pa! Oo, mas pogi ka nga kesa kay Leonaji pero mas mabait naman siya!" Sabi ko at tumawa nanaman siya. Wala ba siyang gagawin kundi tumawa ng tumawa. -___- Ka-imbyerna.

"Okay, ako si Leonard, pinsan ako ni Leonaji, okay? The day before he died, nagpunta ako sa bahay nila. Ikaw lagi niyang ikinikuwento sakin, and then nung matapos na siya sa pagkwento ng puro tungkol sayo ay ibinilin ka niya sakin, ewan ko kung bakit. Tapos yun, kinabukasan, wala na siya. Grabe ka! Isang taon kitang hinanap tapos dito lang pala kita makikita!" Ibinilin? Ako? Ni Leonaji? B-bakit alam niyang mamamatay na siya nung mga araw na yun?! Ugh!!!!

"Oh, ipinapabigay niya sayo. Di ko alam kung bakit ako yung kailangang magbigay niyan sayo at hindi siya." Kinuha ko yung sulat at binasa ko yun.

Reissah,

Oy baboy! Kumain ka lagi ah! Matutulog ka lagi ng maaga! HAHAHA! Bakit ko ba 'to sinasabi? Ahm... wala lang, gusto ko lang sabihin sayo. Tsaka nga pala, yung pinsan kong g*go eh huwag mong papabayaan ah? Mahal ka niyan! Hahaha, kaso nga lang, mas mahal kita. Lagi mong tatandaan na kahit wala na ako, kahit na nasa langit man o impyerno ako, lagi kitang babantayan, lagi lang akong nasa tabi mo. Awwooo~! Hinde, joke lang! Ah basta! Baka maiyak ka pa! Basta isaksak mo sa kokote mo na ikaw lang ang babaeng pinakamamahal ko, tandaan mo yan ah? I love you po baboy.

Leonaji

AAAHH!!! Ano ba?! Bakit ba ako umiiyak? Miss na miss ko na siya, gusto ko na siyang yakapin ng sobrang higpit!

"Ayos lang yan, naiintindihan kita, iiyak mo lang yan." Sabi ni Leonard at iniabot sakin yung panyo niya. At dahil masunurin ako, iniiyak ko na lahat ng hinanakit ko. Lahat ng galit ko sa kanya, kahit gustong gusto ko ng patawarin si Yassi, meron paring parte sa puso ko na sinasabi magalit ka sa kanya, pinatay niya ang mahal mo.

"Bakit ba kasi ganito?! Wala naman akong ginawang mali parang danasin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Isang taon na rin naman ang nakalipas pero bakit hanggang ngayon, sariwa parin lahat ng sugat! Hindi ko maintindihan!" Sabi sa sarili ko habang himihikbi.

Nagulat na lamang ako ng may humago ng likod ko, na kadalasang ginagawa ni Leonaji sakin kapag may problema ako, tapos sasabihin niyang magiging maayos din ang lahat.

"Ayos lang yan, magiging okay din ang lahat. Nandito naman ako eh. Alam mo, nung sinasabi sakin ni Leonaji lahat ng kwento niya tungkol sayo, hindi ko maiwasang mapaisip ng babaeng katulad mo." Sabi niya sakin at tinapik yung ulo ko.

"Sana bukas paggising ko, wala na ang sakit. Kasi sobrang sakit na." Sabi ko sa kanya at pinilit ngumiti.

"Tara na?" Sabi niya at napatingin ako sa kanya. Bigla kong naalala na gabi na pala.

"Sige." Sabi ko at tumayo na kami, nakaparada yung sasakyan niya sa kabila ng school. Napatawa na lamang ako sa isip ko, imposible.

Hindi talaga siya si Leonaji kahit na yung kotse ni Leonaji ang gamit niya.

"Hindi 'to kotse ni Leonaji, iba yung plate number oh." Tinignan ko tapos iba nga.

"Kung gusto mo talaga siyang makalimutan, iwasan mong isipin yung mga bagay na magpapaalala sa kanya." Aba! May point naman siya doon sa sinabi niya.

"Opo." Sabi ko sa kanya, iba talaga yung feeling, parang kasama ko talaga si Leonaji. I will treat Leonaji as my past and try to focus on Leonard as my friend, as my friend.

"Sa ngayon as a friend, maybe later as bestfriend, but in the future, You will be my wife."

✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔

A/N: Wth! Hahaha! xD Dedicated sa bestfriend ko! xD

Thousand TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon