CHAPTER:34

8 2 0
                                    

ENRIQUE'S POV  

'kamusta na kaya siya'?

'ok lang kaya siya'?

'may nangyari bang hindi maganda sa kanya'?

Ito ako iniisip si Rachelle

Dahil ilang oras na lang magsisimula na ang pag po-propose ko sa kanya

Sana magustuhan niya yung stuff toy na binigay ko sa pinsang niyang si Bea at sabi ko sa kanya ilagay sa tabi ni Rachelle para kahit papaano mawala ang kaba ko

"pre tara na?"-nagulat ako ng  biglang may magsalita sa likod ko

"sige"-yun lang ang sabi ko sa kanya

Si Jonas pala ang tumawag sa akin

Papaalis na nga pala kami at papunta na kaming hotel kung saan doon nga gaganapin ang pag po-propose ko 

Kasama ko si Jonas..papunta roon..dahil may special number nga pala ako at siya rin..kaya sa iba daan namin pareho kapag naandon na kami

Tumayo ako at sinuot ko na ang Black Tuxedo at nag pabango na rin ako ng isa sa mga collection ko at kinuha ko na mula sa cabinet ang white mask ko

At d dumiretso na ako sa may pintuan at lumabas na ako

"may nakalimutan ka pa ba?"-sabi sa akin ni Jonas

"wala na pre"-sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot

Sa iba nga pala kami tumuloy ni Jonas para medyo malapit sa hotel

Naunang sumakay si Jonas sa aking sports car at sumunod naman akong sumakay

Siya na nga pala ang mag da-drive

"so ito na talaga pre?"-sabi niya sa akin

"yeah ito na talaga"-sabi

At pinaandar na niya ang sasakyan papuntang hotel 

Naroon na ang mga kaibigan namin

At naroon na rin si Rachelle dinala na siya ng mga tauhan ko

 At kami na lang ang kulang

Mahigit 10 minutes lang ang biyahe namin  at ngayon lalo na akong kinakabahan dahil naandito na kami ni Jonas sa Hotel

"hingang malalim pre"-sabi sa akin ni Jonas

"gago!"-sabi ko at lumabas na ng  sasakyan at sinuot ko na ang maskara

"haha halata naman kasing kinakabahan ka"-sabi niya habang natatawang sumusunod sa akin

"tss"-sabi ko na lang

At pumasok na kami sa likod ng hotel..dahil doon ang daan namin

Nagulat ako ng biglang akbayan ako ni Jonas

"pre...goodluck alam kong kaya mo yan...susuportahan ka namin"-malumanay niyang sabi sa akin at nauna nang pumasok dahil siya ang mauuna

"andito lang kami"-sabi niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng hotel

YOU STEAL MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon