Kinapa ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko, what the hell! I was already in the middle of my dream then gigisingin nalang ako bigla nitong phone ko ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Iminulat ko ang isang mata ko upang tignan kung sino ang tumatawag, dahil sa sobrang inis ko muntik ko ng maibato ang cellphone ko. Panira talaga 'tong ano na 'to!
Zin's Calling...
"What now?! It's already 3am for pete's sake you ruined my sle--"
"Fetch me please, I'm here at HCBar. Can't drive my head is fvcking spinning" Hirap n'yang sabi, kumulo lalo ang dugo ko at napa upo. Eto na naman sya, bwisit talaga.
"Tangina! Sino bang may sabing magpakalasing ka! Kasalanan mo yan, iinom inom ka hindi mo naman pala kaya!" Sigaw ko, inis na inis na talaga ako sakanya. Lagi nalang ganito!
"Ugh! Ayoko ng makipagtalo. I'll wait you here." Pagkasabi nya nun ay pinutol na nya na agad ang tawag. Aba! Ayos naman 'to! Agad akong nagtipa ng mensahe para sakanya.
To: Zin
Bahala ka jan! Tangina ka! Gusto mo yan e!
Pagkasend ko ay humiga na ulit ako upang ituloy ang tulog. Kaso bwisit na Zin na yan, hindi maalis sa isip ko, ayaw talaga akong patulugin. Bwisit! Tumayo ako at kumuha ng jacket sa cabinet ko sabay isinuot ito. Dahan dahan kong binuksan ang kwarto ko at dahan dahan din na bumaba, baka mamaya magising pa sila Mama. Kinuha ko ang susi ng kotse ni Papa sa ibabaw ng Ref, at dali daling umalis. Bwisit talaga 'tong si Zin pag ako lang napagalitan nila Mama dahil sakanya nako! Itatakwil ko na sya bilang kaibigan.
Agad ko naman s'yang nakita nakaupo sa bench na nasa harap ng HCB at naninigarilyo. Bumaba ako sa kotse't lumapit sakanya, hinablot ko ang sigarilyong ilalapit nya sana sa bibig nya at itinapon ito. Nakita ko ang gulat sa mukha nya ng makita ako, tinaasan ko sya ng kilay.
"I-I thought you're not coming.."
"Gago ka kasi! Ulitin mo pa tangina ka! Hindi na talaga kita susunduin sa susunod" inis kong sabi at inalalayan s'yang tumayo, gahd! Mukha s'yang sabog, ang gulo ng buhok, namumungay ang mga mata ang baho nya pa, tila pinaghalong alak at usok ang amoy nya.
"Hindi na, sorry na." Bulong nya habang isinasakay ko sya sa passenger seat at umikot naman ako para makasakay sa driver seat.
"Ulol, pang ilang 'hindi na' mo na 'yang hayop ka!" singhal ko sakanya habang ini start ang sasakyan.
"Wait, yung kotse ko nasa garahe" sabi nya habang nakapikit, nakasandal naman ang ulo nya sa upuan.
"Bukas mo na balikan ihahatid na kita sainyo" sabi ko at pinaandar na ang sasakyan, ng makarating kami sa bahay nila ay nakapasok naman kami agad. Iniakyat ko sya sa kwarto nya at inihiga sa kama, agad naman s'yang nakatulog. Kumuha ako ng pantulog nya sa closet nya at dumiretso sa Cr para kumuha ng bimpong basa pamunas sa katawan nya. Bwisit talaga 'to ginagawa akong katulong pag naglalasing.
Pinunasan ko ang katawan nya at binihisan sya. Matapos ko s'yang bihisan ay nakita ko ang bahagyang pagmulat ng mata nya. Ngumiti sya habang nakatingin saakin.
"Thankyou Ree, you're the best!" Inirapan ko sya, leche 'to daming alam.
"Matulog kana nga, uuwi na ako" irita kong sabi at akmang tatayo na ng biglang hinila nya ang kamay ko, bumagsak naman ako banda sa t'yan nya.