Headphone [One Shot]

528 14 10
                                    

Madalas pagmay ayaw akong marinig dinadaan ko lang sa pagsalpak ng headphone sa tenga ko, sabay full volume nung music. Ganon ako lagi especially sa mga hate kong subjects. "__"

O kaya kapag maingay at gusto kong magpakaemo. Ayoko kasi nung maingay, ayoko ng may nagtitili, sumisigaw. Kaya isang solusyon lang ang meron ako jan, music + headphone=peace.

Pero ibang usapan na kung pag-ibig na ang kalaban. Hindi naman pwedeng takpan ang tenga dahil ang puso kahit walang tenga rinig at ramdam kung anong totoo. Tulad nito--

“Kami na.” Mabilis akong lumingon sayo. Nabitawan ko yung headphone ko pero hindi mo yun napansin. Nakangiti ka lang sakin. Gusto kong kiligin dahil alam ko ako lang ang nginingitian mo ng ganyan…dati.

“T-talaga?”

Hindi ka sumagot. Sa halip, niyakap mo ako. Alam mo ba kung anong naramdaman ko? Hindi. “Masaya ako para sayo…” at alam ko magaling akong magsinungaling dahil sa mga oras na to gusto kong tumakbo, lumayo sayo. Ayokong Makita mo akong umiyak sa harap mo…dahil alam ko pagginawa ko yun, talo ako.

“Drew—“ tinignan mo ako sa mata. Na para bang nababasa mo kung anong gusto kong sabihin sayo. Tumayo ako, umiwas ng tingin. Ramdam ko na ang paghapdi ng mga mata ko. “Sana maging Masaya kayong dalawa.”

Pero sino nga bang tao ang magiging Masaya kung alam mong wala na sayo ang taong mahal na mahal mo? Kaya nga andaming napepeke ng ngiti eh. Ang masakit pa hindi mo masabi sa kanya ang totoong nararamdaman mo dahil kahit kelan, bestfriend ka lang.

Tumakbo na ako palayo sayo. Pero alam mo bang ayokong gawin yun? Selfish ba ako? Dahil kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili kong magiging okay lang ang lahat, na makakalimutan din kita, hindi ko parin magawang maging Masaya para sainyo? That I’m wishing you both in worst, that you’d break up.

Siguro selfish nga ako… alam ko naman kung ga’no mo siya kamahal eh.

Second Year high school

 

“Drew looks at me, I fake a smile so he won’t see
That I want and I’m needing everything that we should be
I’ll bet she’s beautiful, that girl he talks about
And she’s got everything that I have to live without”

Napansin ko bigla kang natulala. Hindi ka naman ganyan dati, lagi ka namang Masaya at jolly. Hindi mo ugali ang maging bitter sa mundo. Pero ngayon parang iba ka. Gusto sana kitang tanungin kung anong meron, pero bigla kong napansin kung anong tinitignan mo.

Si Nicole…

Si Nicole na maganda.

Si Nicole na sikat.

Si Nicole na matalino.

Si Nicole na gusto ng lahat.

Si Nicole na alam kong nagugustuhan mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Headphone [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon