Dear Jared,
Doon ka ulit umupo sa harapan ko,nakatingin lang ako sayo nun nang mapansin kong nakatingin at nakangiti ka rin sa akin,hindi ko napigilan at napaiwas agad ako ng tingin nun,asdfghjkl whyyy jared ?! Wag ganyan Kenekeleg eke
Maya maya may tumabi sayong mga babae,napapagitnaan ka nila haha natatawa ako kasi parang naiilang ka dahil ang iingay nila.kaya kinulbit kita para tanungin kung okay ka lang hahah. Odiba ang fc ko lang
Then biglang May tinawag yung mga babae na isang tropa nila,para umupo sa tabi ko, since walang nakaupo at nakahiwalay sya sa mga tropa nya.
Nakita kitang lumingon sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. nagulat ako nang sabihin mong ikaw nalang ang lilipat sa likod.
At ayun na nga umupo ka sa tabi ko ,langya hindi ko mapigilan yung ngiti ko ,katabi kita ngayooooon!"Pwedeng umupo dito?"
Psh nakaupo ka na nga e , pero syempre sa isip ko lang yun
*Dugeun dugeun
"Ahh o-oo naman!,w-wala namang nakaupo dyan e " Pa-utal utal kong sagotNgumiti ka bilang tugon.
Anak ng sampung kabayo oh ngumiti ka naman! The feeels!!Omg talaga ,nakatabi kita Jared em so happy today!
-Jenna
