Ouch. Ang sakit ng batok ko. anong oras na ba? Bakit ako nakatulog dito habang nakasubsob sa kama? Ang huli kong natatandaan e binabantayan ko si Van tapos bigla akong--
T-teka...
"VAN!! NASAN KA?!!" Nag panic agad ako, baka kasi kung ano na naman ang nangyari sakanya. Jusko po, wala naman sana. Bakit kasi ako nakatulog?!
Patakbo akong bumaba hanggang sa marating ko yung kusina at naabutan ko doon si Van na nagluluto.
"Van! Wag kang magluto, baka mapagod ka!"
"Oh gising ka na pala. Ayan ka na naman, pinipigilan mo na naman ako sa gusto ko."
"Hindi naman sa ganon. Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa e."
"Hayaan mo na ako, hindi naman ako napapagod e. Gusto ko lang ipagluto si mama pati ikaw."
"Van naman..." Lalo akong nag-aalala nyan sayo e.
"Wag ka na ngang mag alala dyan. Wala lang naman to sakin. Teka, tapos na pala to. Tawagin mo na si mama para makakain na kayo." Inihanda nya na yung pag kain habang nakatitig pa rin ako sa kanya. "Oh bakit nandyan ka lang? Ano ka ba? Wag ka na sabing mag-alala."
"Hindi ko naman maiwasan e."
Lumapit sya at mabilis nya akong hinalikan. "Oh diba? Nakikiss pa kita? Ibig sabihin, malakas pa ako."
Medyo natawa ako sa biro nya. Baliw parin kahit may sakit. "Haaaay naku! Puro ka kalokohan! Sige na nga, tatawagin ko na si tita."
• • • • •
"Anak, wag mo na ulit gagawin to ha? Alam mo namang gaanon kami nag aalala ni Summer sayo." Gaya ko, nag-aalala din si tita. Napag sabihan tuloy sya. Kulit kasi e.
"Hindi na po talaga mauulit yun ma." Pagkatapos sabihin yun ni Van, nagkatinginan kami ni tita Carmela. Iba kasi yung naging meaning nung sinabi nya. "Tikman nyo na yung pagkain. Hindi na yan masarap kapag lumamig."
At yun, kinain na namin yung niluluto nyang adobo.
Wow.
Grabe! Ang sarap pa rin talaga nyang magluto. Matitikman ko pa kaya to sa mga susunod na araw?
"Anong masasabi mo Su--bakit ka umiiyak? Hindi ba masarap?" Tinikman nya din yung pag kain. "Okay naman yung lasa a? May problema ba?"
"W-wala, masarap nga e." Pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa kwarto at doon nagiiyak. Hindi ko na naman napipigilan. Pumasok na naman sa utak ko na malapit na syang mawala.
Hindi ko kakayanin. Sobrang natatakot ako...
"Summer papasok ako ha?" Hindi ako sumagot pero narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman kong tumabi sya sakin.
"May problema ba Summer?"
"W-wala Van... Wag mo na lang ako pansinin."
"Bakit naman kita hindi papansinin? E umiiyak ka. Diba nga ayokong makikita kang umiiyak? Ilang beses ko na yung sinabi."
"S-sorry, Van... Hindi ko lang mapigilan. Sorry talaga."
"Dapat kayanin mo. Dahil nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka." Hindi na ako naka sagot sa kanya. Naramdaman kong sinandal nya ang ulo ko sa balikat nya. "Mahal kita pero hindi ko na magagawang magtagal pa. Dapat maging hanada ka na sa maaring mangyari, Summer."
BINABASA MO ANG
His Last Smile
Non-FictionPaano kung ang taong pinaka mamahal mo ay mawawala na? Kakayanin mo kaya? Makakangiti ka pa kaya kapag mamatay na sya? E paano kung sinabi nyang ngumiti ka bago sya mawala? Magagawa mo kaya? Oo, masakit mahirap tanggapin ng ang taong pinaka mamahal...