Good Bye, Nyle

17 0 0
                                    

Isang taon na kaming magkakilala ni Nyle, pero trought chat, text, call and twitter lang.

Naging M.U ko siya tas naging bestfriend nalang kasi yung bestfriend kong si Zia nahulag siya doon. Alam ko kasi tuwing hihiramin ko phone ni Zia nakikita ko na wallpaper niya yung picture nung bata pa si Nyle at sa nagpo-pop na message nababasa ko. Hindi ko naman sinasadyang mabasa pero out of curiosity binasa ko na, aaminin ko, sobra akong nasaktan at nagseselos, bakit? Ang haba kasi ng text niya sa kanya at ang sweet pa, samantalang ako, ako lagi ang nagtetext ng mahaba at sweet.

May mga panahong alam kong laki ng sikreto niya, NIYO saakin pero dahil alam ko na, nagparaya nalang ako.

Nung wala na sila ni Zia naging mag bestfriend na ulit kami, aaminin kong medyo tanga ako kasi may feelings ako sa kanya pero tinatanggap ko parin siya as friend. Masaya ako pag siya kausap ko, parang buo ang araw ko pagnaririnig ko ang boses niya.

Nung nagka girlfriend siya, ayan nnmn hindi nagparamdam, hindi nmn ako manhid eh, alam ko naman na panakip butas lang at kakausapin niya lang ako pag bored siya oh wala yung girlfriend niya o di kaya pag may kailangan siya.

Masakit sa part ko kasi nga may feelings ako sa kanya kahit hindi pa kami nagkikita ni Nyle, siya yung tipong sikat sa school, madaming nagkakagusto, friendly rin kasi yung gagong yun. Isa rin sa nagustuhan ko sa kanya eh yung pagiging Corny niya ang sintunado niyang pagkanta. Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko, hindi nmn ako mahilig sa materyal, presence lang niya, oh marinig ko lang boses niya pero okay na ako.

Ngayon, huminga siya saakin ng second chance kung maibabalik pa ba daw ba namin yung dating meron kami, sa pagiging M.U at manliligaw. Hindi ko matandaan na nangako sa kanya pero ang alam ko nasabi ko lang sa kanya na, pewede na ako mag boyfriend pag 18 na ako.

15 years old ako nung makilala ko siya, isa lamang akong 3rd year high school nun, siya nmn ay 20 years old at 3rd year collage, matalino siya, gwapo at mabait.

Nang ako'y naging 16 yers old, parang bumigay ang katawan ko, nawalan ako ng gana, naging pala absent na ako sa eskwela, bumagsak ako sa ibang major subjects. Nagpa check up ako at dun ko nalaman na may sakit talaga ako.

Sakit na alam kong wala ng lunas, sakit na alam kong hindi matatanggap ng magulang ko, sakit na ayoko. Cancer, stage 3 na dahil matagal na daw ito ayon sa doctor pero ngayon lang lumabas lahat ng sintomas.

Masiyahin akong tao at kuntento ako sa buhay ko, pero dahil sa sakit ko, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay at kahit ano mang bigay nila ng gusto ko hindi ako makontento.

Alam ng mga kaibigan ko ang sakit ko, sobrang nagaalala sila tuwing inaatake ako, may sakit din kasi ako sa puso pero mild lang.

Binigyan ko si Nyle ng isa pang pagkakataon para panindigan ang kanyang sinasabi ni liligawan niya ako personally. May feelings pa ako sa kanya and everybody deserves a second chance right?

Nag outing kami ng parents ko dahil birthday ng Daddy ko, at dahil walabg signal dun hindi kami nagkausap at nagkatext.
Ang kapatid ko namang pakialamera, nalaman niya na binigyan ko ng secon chance si Nyle, wala nalang din kasi akong sekreto sa Family ko.

Pag-uwi namin, si Nikka na kapatid ko Ini-stalk si Nyle, eh para sakin wala lang yun, sanay nakong stalker ang kapatid ko, kung sino matipuhan inistalk agad.

Thankful din ako sa kapatid ko kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman na may sabit pa pala si Nyle, sa girlfriend niya, ang sweet pa nila sa twitter, miss daw nila ang isa't-isa.

Dahil hindi ko kayang magalit at magtampo sa kanya; eto ako, parang wala lang ang nakita ko at nabasa ko, pero sinabi ko sa kanya na binabawi ko na ang second chance na ibinigay ko sa kanya. Marami siyang tanong pero hindi ko sinasagot.

Magkausap kami magdamag, araw-araw ganyan setup namin, kulitan, asaran, at tawanan. Dumating sa punto na sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, dagdagan mo pa yung sa puso ko inatake ako pati na ang migraine ko. Nalaman ko narin na stage 4 na ang cancer ko dahil napapabayaan ko narin ang sarili ko.

I only have 3 Months to live daw, may taning na ang buhay ko. October ko nalaman yun at matindi ang pinagdaanan ko para sa mga checkup, monitoring and so on.

Napagdesisyunan kong wag nalang akong ipaospital dahil ayokong gumastos ang magulang ko at alam kong hindi na ako gagaling dahil huli na ang lahat.

Bandang December, nakakalbo na ako, pumayat ang mataba kong katawan at namumutla ako, Niyaya ko siya na makipag Kita at sinabing Gagawin namin yung Paburito niyang Coffee Jelly, libre ko ang mga ingridients at sa bahay namin gagawin.

Medyo nailang ako nang una kaming magkita, pero nung nasa grocery na kami, para kaming matagal ng magkakilala, nagtatawanan at kwentuhan, minsan nga hinahampas ko siya. Hindi ako mukhang may sakit dahil naka makeup ako, light lang, at nag wig, yung mukhang natural.

Pagdating sa bahay, pinakilala ko siya sa parents ko, wala namang tanong ang magulang ko onting kwentuhan at ginawa namin yung coffee jelly na gusto niya, sinabi ko sa magulang ko na wag kaming istorbohin sa kusina.

Matapos namin gawin yun, nag movie marathon lang kami at kain ng kain, kahit bawal sakin okay lang, huli nanaman ito. Nagkwentuhan kami, kain ulit at kung ano-anong ginawa namin pero, hindi ko gagawin yung ikakasama ng kalusugan naming dalawa.

Hinatid ko siya sa sakayan, walking distance lang naman kaya okay lang, magaalasais palang nmn eh.

Umiyak ako at sinabi ang mga katagang.

"Nyle, thank you sa araw na ito, thank you kasi naging part ka ng buhay ko kahit papaano, kahit ngayon lang tayo nagkita, napasaya mo ako ng sobra, mami-miss ko lahat sayo, i mean yung boses mo, ikaw" umiiyak ako, tuloy ko kong sinabi ang mga iyan at kinakapos ako ng hininga kaya ako tumigil.

"G-Ginny, anong pinagsasabi mo? Kinakabahan ako sayo, wag kang umiyak uy, pinagtitinginan tayo baka akalin pinaiyak kita" sinabi niya sa akin na may halong kaba.

"Nyle, can i hug you?" iyak na sabi ko, at agad niya naman akong niyakap.

"Tahan na Ginny" at mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya.

"Nyle, magiingat ka lagi, wag mong papabayaan sarili mo, inumin mo lahat ng gamot mo, at kung may problema ka ilet go mo lahat. Nyle, mahal kita, kaya please maging masaya ka sana" sabi ko habang nakayap at umiiyak sa kanya, hindi siya nagsalita dahil alam kong nagulat siya.

"Thank you, Nyle"Hinalikan ko sa pisngi si Nyle at naglakad na ako palayo, tinatawag niya ako pero hindi ko na siya kayang harapin kaya tumakbo ako.

Diniactivate ko lahat ng account ko, pinalitan ang number ko. Kahit sa mga kaibigan ko walang alam, ang akala lang nila nagpapagaling ako.

Sa tuwing may pupunta sa bahay, lagi kong pinapasabi sa kanila na ayoko ng may kausap. Hindi na ako makatayo, hindi ko narin masiyadong maigalaw yung paa at kamay ko, talagang mamatay na ako.

Nagiyakan kami ng parents ko dahil alam din nilang hindi na kakayanin ng katawa ko at bibigay na ako. Humingi ako ng tawad sa lahat ng mga paghihirap nila sa akin at nagpapasalamat ako sa kanila.

Hindi ko na kaya...

_______________________________
Tbh prinangka ko si Zia and Nyle ive asked them everything,Even Nikka's Side.

My real name is not Ginny and so as Zia,Nyle and Nikka.

To be clear, wala akong sakit na Cancer pero sa puso meron, uulitin ko this story is 80%true story and 20%fiction.. Edi kung namatay nako dahil sa cancer di ko nato mashi-share...

Sana maappriciate niyo
XOXO:* ImaJAEnary

Ginny And NyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon