Im Sorry, Ginny

17 0 0
                                    

Nung unang kita ko palang sa Picture mo naging crush na kita, ang cute mo kasi at maganda.

Nag Hi ako sayo hanggang sa nagreply ka sakin. Hiningi ko number mo pero ayaw mo ibigay sa dahilang hindi ka nagpapaload. Kinulit kita ng tatlong araw hanggang sa naibigay mo na saakin yung number mo. Agad kitang tinawagan nun at una akala ko nasa CR ka kasi nage-echo, yun pala nasa kwarto kalang na kulob at onti lang ang gamit kaya ganun..

Tawag ako ng tawag, at dahil panghapon ka naman at ako 9 pa ang pasok ko inaabot tayo ng hanggang alaskwatro ng madaling araw. Kulitan at tawanan. Tatlong buwang tayong ganun,puyatan.

Sa ikalawang buwan natin magkatawagan pinakilala mo sa aakin si Zia ng minsang tumawag ako ng nasa school kapa. Mommy-mommyhan kapa nga niya kaya Daddy ang tawag niya sakin. Tinatanong niya ako kung seryoso ba ako sa iyo. Sinabi kong oo dahil seryoso talaga ako. Minahal na nga kita ehh.

Dumating ang december, hindi ko alam pero naapektuhan ako sa sinabi ng pinsan ko na "Insan, parang ang bata niya pa para sayo" dahil diyan, isang buwan din akong hindi nagparamdam sayo, hindi ka naman nag te-text dahil sobrang understanding mo. Kahit minsan wala na akong oras para sayo naiintindihan mo.

Sa mga panahong hindi ako nagparamdam sayo, si Zia ang laging kong kausap, unti-unting nahuhulog loob ko sa kanya, alam kong may napapansin ka kasi tuwing uwian niyo lagi akong tumatawag sa kanya at hindi sayo. Pasencia na ang TANGA ko lang.

Nawala narin kami ni Zia, at naging mag bestfriend ulit tayo, bali dalawang buwan lang kami ni Zia. Umiyak pa nga ako sayo nun, timing na nagsasaya ka kasi fiesta sa probinsiya niyo nun eh. Nagbigay ka parin nung time para sakin na kausapin ako na dapat nagsasaya ka. Nagiging cold karin sakin minsan kasi ramdam ko rin nmn na nasasaktan ka. Pero wala akong ibang mapagkwentuhan kundi ikaw lang.

Mahal parin naman kita ehh. At ilang buwan din tayong hindi ulit naguusap, siguro text pero hi hello at kamusta lang at wala na. Hanggang sa nagkatext ulit tayo at tawagan. Ang dami pa nating hugot nun at kwento ka ng kwento tungkol sa kaibigan mo "Daw" pero alam ko naman na tungkol saatin yun.
Humingi ako sayo ng second chance at pinagbigyan mo nmn ako. Tuwang tuwa ako nun.

At lagi nnmn tayong magkatelebabad. Alam kong kilala ako ng magulang mo dahil sabi mo nga, wala kang sikreto sa kanila. Kilala ka din nmn ni Mommy kasi nakikita niya na lagi akong may kausap at sinabi kong ikaw yun.

Nangako ka sakin na gagawa tayo ng coffee jelly na paborito ko sa bahay niyo at natupad nga. Pero bago yun isang linggo din tayong hindi nagusap dahil tinatamaan ako sa GM mo. "Love when you're ready, not when you're lonely" ang totoo niyan Hindi pa kami break ni Sazha. Pero mahal tlga kita pero mahal ko din siya. Ang tanga ko diba?

Naiinis ako sa sarili ko dahil ayokong nasasaktan ka pero ako rin ang gumagawa ng dahilan para saktan ka. Siguro nakikita mo sa tweet ni Sazha ano? Medyo may pagka stalker karin kasi, remember, yung picture ko nung bata pa ako, eh sobrang tagal na nun ehh. Haha pero wala lang nmn sakin yun.

Nung nakita kita sa personal ang cute mo sobra tas ang daldal mo, ang galante mo nga eh, kasi ikaw anak mayaman, ako kuripot at may financial problem. Wala lang nmn yun sayo kasi sabi mo "Okay lang, sagot ko na to." lahat ng grocery items ikaw ang nagbayad, nahihiya na talaga ako pero dahil kapos din nmn ako sa pera um-oo nalang ako. Alam ko naman na alam mo na kuripot at wala akong pera kaya siguro ganun ka.

Pinakilala mo ako sa parents mo, at natuwa ako kasi akala ko strikto at mukhang nakakatakot, pero nagkamali ako kasi ang bait nila.

Hinding-hindi ko makakalimutan yung ginawa nating Coffee Jelly kasi ang sarap sarap talaga. Nagkwentuhan at movie marathon lang tayo pero masaya ako kasi nakasama kita. Kasi finally after 1 year and 3 months nagkita narin tayo sa personal. Alam kong napaasa kita sa mg sinabi kong pupunta ako sa school mo, lilipat ako ng school para malapit sayo, yung ganun. Pasencia na nagkaproblema. At natutukso ako sa iba.

Nagulat ako ng bigla ka nalang umiyak nung nasa paradahan na tayo, ayokong umiiyak ka kasi nasasaktan ko, nagulat ako sa mga sinabi mo at matagal bago mag sink in sa utak ko. Hindi na kita nahabol kasi malayo kana. I tried to contact you pero hindi ko na mahanap lahat ng account mo at di na kita matawagan. I tried to visit you kaso laging sinasabi na you're not going to talk to anyone kasi you're not feeling well, and i understood that.

Nagaalala na ako sayo ng sobra dahil sa tuwing tinatanong kita noon kung okay kalang ba ang lagi mo namang sagot ay "Oo, okay lang ako". Nakipaghiwalang ako kay Sazha, mahal ko siya pero mas mahal pala talaga kita.

Nakatanggap ako ng hindi inaasahang tawag galing kay Zia, tawag na ikinagulat at nagpaluha sakin.

"N-Nyle *sob* S-si Ginny *hik* p-patay na siya Nyle" hindi ako makapaniwala nung una, akala ko nagbibiro lang si Zia kasi mahilag siyang manloko.

Lumuluha palang ang mata ko pero dahil hindi ako sigurado, chinat ko si Nikka kung totoo ba. Hindi nagreply si Nikka hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula sa Unknown number.

"K-Kuya Nyle *Sob* S-si A-ate *sob*, Kuya Nyle si Ate patay na" nang marinig ko ang mga katagang yan at paghagulgol alam kong totoo yun dahil Hindi ugali ni Nikka ang magsinungaling lalalong lalo na tungkol sa ate niya.

Duon mas lalo akong humagulgol at gusto kong magwala, hindi to totoo. Buhaya pa siya. Nataranta si Mommy dahil umiiyak ako at nagsisisigaw.

Nagsisisi ako na hindi ko pinahalagahan ang second chance na binigay mo sakin. Yung panahong magkasama tayo dapat pala sinabi ko na sayo lahat ng nararamdaman ko nun para sayo. Na sana pala una palang hindi na kita nilayuan, na sana una palang hindi na ako ng tukso sa iba. Ikaw yung babaeng nakakaintindi at nagpapasaya sakin. Pero anong ginawa ko? Nagpakatanga ako.

Pumunta ako sa bahay niyo at madaming nakikiramay sa pagkawala mo, Maraming nagmamahal sayo dahil, mabait ka, wala kang inaapakang taon, masiyadong mapagbigay at maunawin. Hindi ka rin kasi mahirap mahalin.

Umiyak ako nung nakita ko ang puntod mo, hindi ko mapigilan, niyakap nalang ako ng Mommy mo para icomfort ako, nalaman ko na lagi mo akong kine-kwento sa kanila na proud na proud ka sakin. Mas lalo akong umiyak nun.

May hinigay pala sakin yung Mommy mo, yung cellphone mo. Ako lang daw nakakaalam ng password nun. Sabi pa niya pagnabuksan ko daw, pakinggan ko daw yung nasa recorder mo.

08-17-** yan pala ang pasword mo, kung kelan ang birthday ko. Hindi mo talaga nakalimutan birthday ko no.

"H-hi! Nyle, *cough* kung napapakinggan mo ito, siguro patay na ako. Natutuwa ako kasi kahit sa onting panahon na nakita kita ng personal, laking tuwa ko, kasi Finally, Makikita ko narin yung lalaking nakikita ko yung future ko kasama ka. Pero wala eh alam kong wala tayong pag-asa kasi alam ko, hindi nmn ako ang mahal mo. Napakalandi mo kasi haha, pero seryoso ako Nyle. Mahal kita. Wag mo sanang papabayaan sarili mo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako kahit na hindi nmn physically pero nasa heaven siguro ako kaya magdasal ka at papakinggan namin ni papa God ng sabay, mag-iingat ka lagi ah? Tanga ka pa naman Hahaha, mamimiss kita.
.
..
.
.
.
.
Nyle, Mahak kita" sinasabi niya sa record na pinapakinggan ko at halatang nahihirapan siyang magsalita. Umiyak nanaman ako hindi ko kapigilan ehh, ang sakit lang kasi, Nainiis na talaga ako sa sarili ko dahil pinairal ko ang katangahan ko. Gaya nga ng sabi mo Tanga talaga ako.

Every 2 weeks dinadalaw ko puntod mo, lagi akong humihingi ng tawad sayo at hanggang ngayon nagsisisi parin ako sa mga nagawa ko sayo.

Basta Ginny, Minahal kita at Mahal kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ginny And NyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon