Ahm. Paano ko ba toh sisimulan? Magpapakilala? Hmm..
Bakit nga ba gustong gusto kong nagsusulat ng kwento?
Kasi ....lahat ng gusto kong mangyari, lahat ng gusto kong makilala, lahat ng salitang di ko masabi... itype mo lang.. yun na.
Pinanganak na siguro akong gawin ito.
Thankful naman ako dahil nalaman kong pwede akong magsulat.
Di ako magaling na writer. Baka kasi iyon ang maisip mo. Baka lang naman.
Bakit, kailangan bang maging magaling para maging writer?
Kailangan mo bang maging magaling para maging tao?
"UY ano na naman yan ******?"
Dali dali kong sinara ang laptop ko.
"Umm."
"Late na naman tayo. Tara na!"
Sa totoo lang ayaw kong pumasok. Pero eto at sa kaswertehan ko ay nakita ako ng kaklase ko- oo kaklase ko.. di ko siya matatawag na kaibigan. kahit na mukang close kami... bakit? ... ngayon ngayon ko lang din nalaman kung bakit.
Wala na din akong nagawa kundi sumunod na sa kanya.
—————————————-
Sa loob ng room na toh. Wala akong makitang pagkakaiba sa mundong nasa labas.
Bata pa lang ako nang maukit sa isip ko ang tanong na hanggang ngayon di ko pa din alam ang sagot. Talaga nga bang totoong mga tao ang nakikita ko sa labas?
Anong buhay nila?
Tulad din ba ng mga nararanasan ko?
Pano kung props lang sila?
Pano kung ako lang nga talaga ang tao sa mundo?
Luminga linga ako.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Teen FictionThis is a story about the life of an ordinary student that turns out to be mysterious, adventure type, romantic and dramatic journey that no one can forget. Can you help her find the missing piece?