Compilation of my poems

66 3 8
                                    

Sandalan

alam kong sa bawat tawa mo may nakatagong lungkot

na sa bawat ngiti mo may nakatagong poot

di ka man laging tunay na masaya

nandito lang ako pag di mo na kaya

pagsakluban ka man ng langit at lupa

mawalan ng pag-asa at dumaloy sa mata ang lahat ng luha

maging kalaban mo man ang buong mundo

nandito pa rin ako , nag-iisang kakampi mo

dumaan man ang maraming pagsubok sa buhay ,

laging may isang tao para bigyan ito ng kulay

ang pag-ibig kong kailanman ay di mababaon sa hukay

tanging sayo lamang iaalay

sa buhay natin , alam kong may kaakibat na problema

at minsan, sa sobrang pag-aaway  gumugulo pati  ang sistema

na ang dating perpekto nagkakaroon ng lamat

na parang bang makinis na mukha na nagkaroon ng tigyawat

may pagkakataong nawawalan ka na rin ng kumpiyansa

at yung relasyon na binuo , para bang wala ng tiyansa

pero pilit pa ring tinatayo kahit malapit ng lumubog at mapunta sa wala

at salamat pa rin , dahil  yung hiniling kong wag tayong magkahiwalay at magsama , matagumpay na tinupad ng mga tala

ikaw yung  may kasalanan kung bakit ako sinaniban ni ginoong balagtas

ordinaryong taong naging isang makata

na gumagawa ngayon ng isang obrang malupit pa sa harana

na may tugma sa dulo at sinulat na parang patalata

alam kong minsan , talagang mahirap ang sitwasyon

na para bang kailangan muna ng isa't isa na magbakasyon

wag ka  pa rin sanang bibitaw sa salitang ating binitawan

na tayo lang habangbuhay kahit lumipas ang kasaganaan at dumating ang kahirapan

ngayong patapos na ang tulang ito

tandaan mo sana ang mga huling sailtang bibitawan ko

sa buhay mo ako'y magsisilbing sandalan ,

na pag pagod ka na , pwede mong gawing kanlungan

===

Diary ng Torpeng lalake 1

Dear diary ,

ui diary ! alam mo ba ? ang ganda ng classmate ko tapos seatmate ko pa

!

sa sobrang ganda nya , di ko tuloy siya matitigan sa mata !

grabe talaga ! alam mo ba pag ngumiti sya ? para syang isang anghel na bumaba sa lupa

tapos yung mukha nya daig pa yung mukha ng isang maamong tupa :)

at alam mo ba ? ang ganda ng mata nya kasi singkit !

pag nga di siya nakatingin sinusulyapan ko yung mata nya ng pilit

 ,

ay ? nga pala ? yung kutis nya sobrang puti ! parang pulbos !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of my poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon