"Sssh!" Saway nya sa akin. Hay nako, ano bang problema ng lalakeng 'to? Nanahimik na rin naman ako, ngunit araw-araw akong pinepeste.
"Ano bang problema mo?" Bulong ko sa kanya. May test kasi kami ngayon sa physics at terror ang teacher namin.
"Ang ingay mo." Pagalit nyang sabi at nagpatuloy sa pagsagot sa papel.
Ayos sa'kin ang physics, kaya nga lang may mga numero at computation ito kaya medyo medyo lang ang pagkagusto ko.
Hindi ko sya pinansin at nagfocus sa problem solving.
"Pst. Ang ingay mo." Bulong nya sa'kin. Ba't ba kasi magkatabi kami? Leche naman, ba't ko ba 'to crush ha."Leche. Ano ba?! Inaano ba kita jan?! Kanina ka pa ha!" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya napalingon ang science teacher namin.
"Is there a problem Ms. Ybañez? Why are you shouting?"
"Wala po..." Yumuko ako dahil sa kahihiyan at tinignan ng masama ang katabi ko, na peste sa buhay ko.
"Wag ka kasing maingay. Yan tuloy." Hagikgik nya.
So ako pa talaga ang sisihin?
—x
Nakikipagtawanan ako sa mga kaklase kong lalake nang biglang dumating si Seth, ang dakilang panira ng araw ko.
"Oy ang ingay mo!" Hindi ko sya pinansin at nakipagusap sa kaklase ko na si Earl.
"Crush ka siguro nyan, laging nagpapansin sa'yo." Kantyaw ni Earl.
Hindi ko sya pinansin dahil unang una, malabong mangyari 'yun. Ako? Crush nung hayup na yun? Eh pinopormahan nya nga si Shanelle, o madami lang talaga siyang pinapaasa? Tss.
"Hoy Ybañez! Tawag ka ni Ma'am!" Bigla akong napatayo sa sinabi ni Seth. Medyo kinabahan din baka kasi may nagawa akong kasalanan.
"Bakit daw?"
"Ang ingay mo daw kasi!" Tumawa sya ng malakas at tumakbo.
Bwisit talaga 'yun! Leche!
—x
Magkasama kami ngayon ni Seth dahil kami ang inutusan ni Ma'am na magcheck ng mga papel sa aming klase. Tadhana nga naman kakabwisit.
Tapos na sya magcheck ng papel sa mga lalake dahil konti lang naman sila, samantalang ako, natambakan. At dahil hindi nga sya gentleman, ayun inatupag ng gago ang cellphone nya.
Habang busy ako sa kakacheck ng mga papel, biglang tumunog ang cellphone ko.
Aa Mama:
Nak hapon na, anong oras ka uuwi?Hindi ko marereplyan si Mama dahil wala akong load. Biglang tumunog ulit ang cellphone ko.
+639*********:
Wag ka ng maingay para matapos ka na :-)Masama kong tinignan si Seth, isang matamis na ngiti naman ang binalik nya saken.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko na may halong inis sa aking boses.
"Ang ingay mo kasi nakakaasar."
"Para kang tanga." Oo tanga ka talaga. Kahit tahimik na ako, maingay pa din ako sa paningin at pandinig mo.
"Pansin ko din nga eh." Sabay hagikgik nya, naku ang cute mo na sana eh kung hindi ka lang nakakaasar.
—x
Foundation na namin at busy lahat ng pips. Kanya-kanya kami sa mga trabaho para sa booth namin.
"Seth at Karsyn! Dalian nyo nga jan tagal nyo kailangan na ng design dito sa may pintuan banda! At gumawa na rin kayo ng playlist para sa mga couples!" Sigaw sa amin ng presidente namin.
BINABASA MO ANG
'Wag kang maingay!
Short Story[ ONE SHOT ] "Wag ka ngang maingay... may ipaparinig sana ako sayo." (c) February 2016 | candidsky