Heto na naman ako,
Tulad ng laging nakasanayan ko,
Tinatanaw ka mula sa malayo,
Habang kasama mo ang barkada mo.
Una kitang nakita,
Doon sa eskwela,
Kasama mo ang barkada,
Nangungulit at walang magawa.
Di ko man aminin,
Pangarap ko na ika'y maging akin,
Ika'y makapiling man lang,
Kahit sa panaginip lang.
Ngunit anong panlulumo,
Ang naramdaman ng puso,
Nang ika'y matanaw ko,
Na may kasamang iba sa malayo.
Gaano man kasakit sa damdamin,
Kailangan kong tanggapin,
Mananatili na lang akong nakatanaw,
Sa inyong pag-uulayaw.
BINABASA MO ANG
Tanaw
PoetryTitle: Tanaw Stanza: 5 Date Written: June 29, 2006 Inspiration: A girl schoolmate who has a crush on our classmate.